![...](https://api.writco.in/assets/images/post/default/story-poem/normal/letter.webp)
2 views
Paano Takasan ang Gabi
May isang gabing tila napakahaba
Hatid ang haba ng pangambang hindi na bubuka ang liwayway
Pilitin mang pumikit ay nagdudumilat ang dilim sa balintataw
Pusikit ang liwanag sa ibayo
Bingi ang paligid
Nakatutulig ang panguusig ng libong tanong
Kung maaari lang hilahin ang mga sandali
Iwaksi, isumpa - huwag nang muli!
Kung maaari lang itong limutin
ay habambuhay akong matutulog
nang tila walang gabi.
© MA Ryanne

Related Stories
1 Likes
0
Comments
1 Likes
0
Comments