...

23 views

"gitara at ako- guitar and me"
Hindi ko na maalaala kung kaylan kita nakilala, sa tagal ng panahon isa nalamang gunita.

Ang araw sa akin ay tumabon nilukuban ako ng panahon, nagmumula sa lumang aparador sumabay sa taon ng matandang dahon.

Puno ng abok ang iyong itsura ngunit kaibig ibig parin at tila hindi ka naluma, hindi ko inaasahan ang mga sandaling ito ang pagkakataong magkita tayo.

Mula sa pagkakaiglip ko napabigwas lamang, dahil sa lakas ng hangin dumampi sa iyong lugar. Sapagkat ang hangin ang gumawa ng daan upang marinig ko ang iyong ingay.

Hindi ka nagbago, ngunit ako ito anglayo ng itsura ko sa iyo. Kamusta kana kaybigan matagal na rin hindi kita nasilayan. Akala ko hindi na mangyayari ito, nalimutan ko nadin kusa akong lumayo.

Muli, sa pagkakataon kumumpas ang daliri, habang ito ay nasa sa kanyang tabi. Pinatunog niyang muli ang Gitara na kinubli. Hanggang sa yakap niya tumugtog ng musika.

Hindi naman ito isang pagkakataon pero parang itinadhana ng magkadaupang kahapon. Nilimot kita inilagay sa aparador ngayun ang lahat ay nagkarugtong rugtong. Alaala mo muling bumabangon.

Ako ang may sala, nilimot kita, nagpakalayo akong mag isa, sapagkat inakala ko yun ang tama sundin ang kagustuhang hindi naman ako ang may sadya.

Ako ay may idad na, kulay ko ay kulubot na, ngunit ikaw kaybigan wala sa iyo ang kabiguan. Hindi mo parin ako binigo ang tinig mo na maalon humihuning parang ibon.

Matikas parin ang mga tinig mo kagaya ng mga una ng magkakilala tayo. Sino makapagsasabing mahina ka? sabi nila limutin daw kita. pero habang kapiling ka hayag talaga na ako ang sadyang mahina.

Hindi ko mapigilang lumuha sapagkat ngayun sa iyo ako ay umaasa. Sapagkat habang pinatutogtog ka puso ko naman ay nagmimistulang kayligaya.

Kung maaari lamang kaybigan samahan moko ng kaunti pa, sapagkat ito na marahil ang huli nating pagkikita aawitan kita ng buong pagnanasa na ipadarama sa iyo ang hirap ko noong iniwan ka.

Huwag moko iwan huwag mo ako talikuran ikaw ay aking kaybigan, magkasabay nating sabayan ang mundo ng may kagalakan. Aawit ako itutogtog mo, ngingiti ako kagigiliwan mo ganyan tayo kaybigan may iisa tayong nararamdaman.

Ngunit ngayun dahil nilimot kita puso ko sa mahabang panahon ay nagdusa. Akoy lumilipas na ngunit maiiwan ka. Patawad sapagkat maiiwan ka na hindi nakilala.

Paalam kaybigan, alam ko hindi ka nagkulang ngunit sa panahon na nakaraan wala akong pinagsisihan.....

" huling bilin ko salamat sapagkat sinikap mo ako kahit malayo na. "