...

1 views

Talinghaga
Talinghaga

Talinghaga nga ba ang maituturing kung ang nais sabihin ay tinanggalan na ng talim?

Sa pagtanggal ng talim, ang dating malasakit, ay kailanma'y hindi na ramdam ang init.
Hindi na papansinin na tila'y una pa lang naman ay hindi na binigyan pansin.

Paano nga ba naman talaga ipaparating kung ang ibon ay pinutulan na ng pakpak?

Sa mga boses na nais kumawala, tila'y mga bituing sa isang kisapmata'y biglang nawawala.

Sa bawat gabi'y naririnig ang sigaw, na kailanma'y tinanggalan ng lakas.

Sa huli, mananatili na lamang tayong tikom ang mga labi.
© Nyx