...

15 views

"Y.O.L.O."(you only live once)

Laganap saan mang dako ng mundo sa kasalakuyan;
Covid 19 na nagbibigay pangamba sa sangkatauhan;
Mga bansa sa sanlibuta’y lubhang apektado at gumagawa ng nararapat na aksyon;
Upang ang bawat isa ay maging ligtas habang dalubhasa’y naghahanap ng solusyon;
Bilang ng nagkakasakit gayundin ang nangamatay ay patuloy pa rin sa pagdami;
Kaya ang kinauukula’y istrikto sa pagpapatupad ng hakbang para sa nakararami;
Manatili sa bahay at palakasin ang sistema ng buong katawan;
Abiso ng mga syentipiko kasama nang lahat ng namumuno sa pamahalaan;
Bayanihan ang panawagan ng bawat lider sa alinmang panig ng bansa;
Sa mamamayan nakikiusap ng pakikisama at pakikiisa;
Marami ang nagalit at naglabas ng kani – kaniyang hinaing;
Positibo man o negatibo sa social media ay ipinararating;
Subalit sa kahit anupamang kadahilanan ng bawat argumento;
Sana ay mamayani ang pagkakaunawaan at iwasan ang pakikipagtalo;
Nag – iisa lang at hindi nakikita ang kalaban natin sa suliraning ito;
Walang lugar ang pagbabangayan lalo na’t buhay ang nakataya dito;
Sa kabila ng pakikipagsapalara’y di tayo nakalimot sa Poong Lumikha;
Sa kahit na anong pamamaraan samut – saring panalangin ay bumaha;
Dala nang matinding paniniwala na lahat ng ito ay ating malalagpasan;
Dala nang pagsusumamong sa KANYA nakasalalay ang ating kaligtasan;
Buong bansa’y nakikiisa sa panalanging panawagan ng Santo Papa;
Bawat pamilya’y muling nagkasama – sama at sa harap NIYA’y nakaluhod pa;
Lahat ay puno ng pag asang malalagpasan ang krisis na kinasasadlakan;
Lahat sa KANYA’y humuhugot ng lakas sa araw – araw na pakikipagsapalaran;
Sa kabila ng sitwasyon ay may mga taong nag – aalay ng kanilang buhay;
Kumasa sa nakaambang panganib para mailigtas ang marami pang buhay;
Sila ang mga FRONTLINERS natin na taos – puso kung makapaglingkod;
Sa pagbabantay ay todo – bigay at hindi alintana ang puyat at pagod;
Kaya mga kababayan, h’wag sana tayong maging pasaway;
Ang ambag natin sa kanila’y pagsunod at nang lahat ay tumiwasay;
Ang marami sa...