...

2 views

Bawat Araw
Bawat araw
Ikaw nag-iisip
Ng mga bagay
Na hindi kailanman
Inaasahan na nangyari.

Bawat araw
Ikaw nagtataka
Sa mga nakikita
Na hindi maramdaman
Ng kahit sinuman.

Bawat araw
Natatapos ang umaga
Walang nababago
Sa mga bagay na di ginusto
Gawin upang malugmok.

Bawat araw
Humahantong sa gabi
Halos di na alam
Ang gagawin para bukas
Magtitiwala pa ba o
Patuloy na lamang sumabay sa agos.

Bawat araw
Akong nagtataka
Sa aking sarili
Na bakit ganoon ang sinapit
Hindi man napagbigyan sa naisin.

Bawat araw
Patuloy na humahangad
Na walang kasiguraduhan
Kung may pupuntahan
Itong aking katawan.

Bawat araw
Napapagod sa pag-asa
Na makikita sa bawat pagngiti
Subalit kapaguran ko'y naramdaman
Sa bawat hakbang ng aking mga paa.
© ScarletHeart995