...

2 views

Pagmamahal mo ay sapat na
Pilit kong hinanap ang pagmamahal sa iba,
Hindi ko namalayan na nandyan ka lang pala.
Panginoon na nagbigay sakin ng pag-asa,
Sa aking buhay na tila wala ng halaga.

Panginoon bakit hindi ko agad nakita,
Pag mamahal mo pala sa aki'y kakaiba.
Na sayo hinding-hindi ako malulungkot pa,
Dahil presensya mo palang ngayon ay sapat na.

Maraming salamat po sa iyo,
Dahil nabuo na ang mundo ko.
Na kahit gaano kabigat ang problema ko,
Alam ko lagi kang nandyan para samahan ako.

Panginoon alam ko wala ng hihigit sayo,
Sa pagmamahal mo na walang katulad sa mundo.
Na kahit iwan ako nang lahat ng tao,
Alam ko hinding-hindi ako mag-iisa dito.

Biguin man ako ng mga mahal ko,
Alam ko nandyan ka para mahalin ako.
Maraming salamat po sa iyo,
Dahil alam ko kumpleto na ako.

© Emcsiesz