Ama, nasaan ka?
Sa aming tahanan, saya'y makikita
Pamilyang iisa, ligaya'y kasama
Pagkain ng sabay, sa gabi't umaga
Sa munting tahanan, kami'y sama-sama
Ama kong sundalo'y aalis sa hapon
Kasama ay saya, sa pag-alis ngayon
Hawak ang pangarap, at tapang ang baon
Paglaban ang bayan, para makabangon
Putukan ang dinig, saan mang paligid
Batang umiiyak, sakit niya'y dinig
Maraming namatay, sa bansa kong ibig
Ito ba ang nais? Tahimik na bibig?
Kailan ka uuwi? Ama nasaan ka?
Tapos na ang laban, bakit wala ka pa?
Digmaa'y matapos, kay tagal inintay
Ama kong sundalo, Buhay ka pa kaya?
Nais ay payapa para sa pamilya
Digmaa'y tumigil, tamasa'y pag-asa
Ang pagkaulila'y di dapat madama
Kahit nasaan ka man, mahal kita Ama.
© Khebby Verdaluza 2020
Pamilyang iisa, ligaya'y kasama
Pagkain ng sabay, sa gabi't umaga
Sa munting tahanan, kami'y sama-sama
Ama kong sundalo'y aalis sa hapon
Kasama ay saya, sa pag-alis ngayon
Hawak ang pangarap, at tapang ang baon
Paglaban ang bayan, para makabangon
Putukan ang dinig, saan mang paligid
Batang umiiyak, sakit niya'y dinig
Maraming namatay, sa bansa kong ibig
Ito ba ang nais? Tahimik na bibig?
Kailan ka uuwi? Ama nasaan ka?
Tapos na ang laban, bakit wala ka pa?
Digmaa'y matapos, kay tagal inintay
Ama kong sundalo, Buhay ka pa kaya?
Nais ay payapa para sa pamilya
Digmaa'y tumigil, tamasa'y pag-asa
Ang pagkaulila'y di dapat madama
Kahit nasaan ka man, mahal kita Ama.
© Khebby Verdaluza 2020