...

5 views

Bakit?
Habang ako ay nag iisa
Sa ilalim ng punong kahoy
Kasalukuyan ang panahon ay mainit
Ako ay napatingala sa langit
At ako ay napaisip, nagtatanong kung
bakit?

Bakit may mahirap
Bakit may mayaman
Bakit mayroong mukha na maganda
At may mukhang pangit
Hindi ba't tayo ay parehas lang
hinubog ng Diyos mula sa putik?

Sa parte ng mahirap
Kapos sa pagkain, kulang sa kasuotan
Hindi makapag aral dahil sa kakapusan
Walang matatag na trabaho, walang
maaplayan
Hindi tanggapin dahil kulang sa
kaalaman
Kaya ang kunting kinikita, pantawid
gutom lamang

Samantala ang mayaman sagana sa
pera
May magarang sasakyan, mamahalin
ang mga damit, alahas ay nagkikislapan
Masasarap ang mga pagkain ang iba pa
ay imported
Mga nag aral at nakatapos sa sikat na
unibersedad
Maganda ang trabaho, mataas ang
pwesto
Sila lalo ang yumayaman, ang mahirap
tinatapakan

Kung ikaw ay isa sa mga nabanggit
Ipagpatawad mo dahil ito ay totoo
Kung ikaw ay mahirap, pilitin mo ang
magsikap, upang ang buhay mo ay umunlad
Ang pagiging salat mo ay
malalampasan, kapag iyong pinag -
patuloy ang iyong kasipagan
Ang iyong mga pangarap sa buhay ay
makakamtan

Kung ikaw ay isang mayaman
Bakit hindi mo magawang tumulong
Sa mga kapuspalad at mahihirap
Hindi ba masarap sa pakiramdam na
nagbabahagi ng mga pagpapala sa mga nangangailangan?
Sapagkat ang yaman ay hindi nadadala sa huling hantungan
Pero ang iyong pangalan alaala sa puso
ninoman
Dahil sa idinulot mong kagandahang
loob at mga kabutihan

Kaya ngayon ang tanong na bakit
Ay hindi maalis sa isip
Dahil tayo ay tao lamang, parehas na nilikha
Parehong may buhay, parehong may
mukha
Magkaiba nga lang ng katayuan ang bawat isa
Kaya maiisip mo, maiisip ko
Bakit nga ba?



© GM Machete