...

2 views

Minamahal Ka sa Malayo
Ilang highway, kalsad at tulay pa ba
Ang tatawirin upang makasama ka?
Sumakay na sa jeep, bus at bangka
Masilayan lang ang iyong mukha

Ilang beses bang susuong sa bagyo, baha at anumang delibyo,
Magawa lang na tayo'y magtagpo
Ilang bundok at gubat pa ba ang babagtasin,
Mapatunayan lang na ako'y iyo at ika'y akin

Sa milya-milyang layo na aking tatawirin,
Pangalan mo parin ang sasambitin
Ganun siguro ang pag-iibigan natin,
Sabi nga'y lahat ay hahamakin

Ngunit milyang layo man ang pagitan ng ating puso,
Asahan mong hindi magbabago
Pagkat ako'y mananatiling iyo
Kahit pa sa ngayo'y malabo,
'Pagkat minamahal ka sa malayo


09.10.2023
K.A.
© All Rights Reserved