...

2 views

Kung Maibabalik
Kung maiibalik lamang
Ang mga araw na nagdaan
Panahon na ika'y musmos pa
Walang ibang iniiisip
Kundi ang makipaglaro
Makapag-aral nang maayos
Nang lumaki na'y
Hinangad ang may buhay
Na natutupad ang mga pangarap
Nilalamon ng kaligayahan
Sa mata at ngiti sa labi
Na sadyang makikita
Subalit naging iba ang takbo
Naging maramot ang tadhana
Hindi alam kung bakit
Lahat na lang sinara
Mga bagay na iyong naisin
Noon pa man at ngayon
Tila bang walang karapatan
Siyang umunlad sa buhay

Kung maibabalik lamang
Ang nakaraa'y may magagawa
Na mas higit sa noon na inilahad
Hindi na sana kay pait ngayon
Ang iyong nararanasan
Hindi na rin sana lumuluha pa
Araw-araw at gabi-gabi na
Pilit isinisisi ang sarili pati tadhana
Nakakalungkot alalahanin
Mga bagay na di dapat naman isipin
Ngunit narito ikaw patuloy
Nagmamatyag sa bituin sa langit
Humihiling kahit isang kusing
Nagtatangis na ika'y biyayaan
Nakikiusap na pagbigyan
Sa bagay na iyong ibig gawin
Ano ba talaga ang nais
Ipahiwatig sa iyo ng tadhana
Nais ka lang ba pahirapan?

Kung maiibalik lamang
Ang taong mga lumipas
Di na sana naghangad pa
Naghintay at nangarap
Kung ganito lamang ang ibig
Iparamdam sa iyo'y
Walang ibang nais
Kundi paghirapan ka
Paghinaan ang iyong loob
Maging isang baliw
Kakaisip ng mga bagay
Na dapat gawin dito
Nakakapagod siya
Hirap niyang intindihin
Lahat ginawa mo para roon
Datapwat di pa rin sumapat
Ika'y tuloy tulad ng isang
Kriminal na kayraming
Karumal-dumal na isinagawa
Ngunit wala namang bakas.