...

5 views

Wala
I.
Sisikat ang araw sa pag-asang matatapos ang dilim
Ilang araw, buwan o taon pa ba ang kailangang tiisin?
Walang sapat sa taong mataas ngunit pilitin mo itong abutin
Ang kanyang buntong hininga ang magiging katumbas ng hiling
Kailanman hindi naging bago ang makabago sa tradisyunal na adhikain
Isa lang ang binigay sa iyong palad upang wala ka ng ibang piliin
Tuloy tuloy sa pakikibaka ang una at huli mo kayang gawin
Ang patay ay bumangon upang ipaalala ang kanyang huling habilin

II.
Samut-saring ideya ang tumalo sa takipsilim
Totoo ang salita ngunit peke ang gumawa
Panahon lang ang makapapagsabi sa tunay na saloobin
Ang isang daan ay mabilis naubos nang may kumilos
“Dahan dahan sa paggawa bata” ang wika ng nakatatanda


#writteninfilipino
#gobyernoatangmgatao

© IvyB