...

11 views

Dali
Huwag magmadali kung ayaw mong mawala~~

Mga galawa’t salitang basal
na kaakibat umano
ang aruga at pag-aalala

Nagpapakabusog sa lason
ng hangaring kasinlabo ng hinaharap

Hindi maitatanggi
na hangad nating ibunyag
ang damdaming ating kinubli

Ngunit sa paghayag ng pagkahanga’y
unti-unting nanlalabo ang samahan

Pagka’t sa pagsusumamo’y minamadali
ang pagkalas ng dapat ay magsisimula pa lamang
© All Rights Reserved #filipino #tagalog #PhilippinePoetry