Paglisan
Minsan ay naisip ko
Wala nang pag-asa
Ang aba kong buhay
Na tinangisan yaong pagkalumbay
Gusto kong lumisan
Tumakbo at mapag-isa
Upang umalis
Sa mundong aking kinagisnan
Sa daang nilalakbay
Ika'y nakita
Noong una'y 'di ko pansin
Ang katangiang nagtatago
Nagtatago na sa akin ay mag aahon
Sa kapanglawan ng buhay
Manatili nawa ang mahika
Na nasa iyong puso
Pusong tigib ng kabutihan
Ako ay nasa iyong harapan
Kumakatok at nag aasam
Na sana ay iyong pahintulutan
Ang iyong abang lingkod
Ay mapagsilbihan kang buong lugod
Para maging kabayaran sa iyong
Bigay na luwalhati't kariktan
© Toothpick
Wala nang pag-asa
Ang aba kong buhay
Na tinangisan yaong pagkalumbay
Gusto kong lumisan
Tumakbo at mapag-isa
Upang umalis
Sa mundong aking kinagisnan
Sa daang nilalakbay
Ika'y nakita
Noong una'y 'di ko pansin
Ang katangiang nagtatago
Nagtatago na sa akin ay mag aahon
Sa kapanglawan ng buhay
Manatili nawa ang mahika
Na nasa iyong puso
Pusong tigib ng kabutihan
Ako ay nasa iyong harapan
Kumakatok at nag aasam
Na sana ay iyong pahintulutan
Ang iyong abang lingkod
Ay mapagsilbihan kang buong lugod
Para maging kabayaran sa iyong
Bigay na luwalhati't kariktan
© Toothpick