Sulat sa Taong minamahal ko ngayon (Part II)
(Pagpapatuloy )
Pagdating sa pagmamahal naibuhos ko na ang dapat kong ibuhos, naisakripisyo ko na ang dapat ko isakripisyo. Naubos na ako.
Ikaw na bagong tao na dumating sa buhay ko habang handa na ako mag isa , habang masaya na akong nag iisa.Habang nasasanay na ako makita ang mundo na masaya kahit nag iisa. Nangangarap ng mga bagay na mag isa, nag eenjoy sa mga bagay kahit mag isa. Nag uumpisa na ako mabuo uli at tumayo ng nag iisa ako. Natututo na ako na kaya pala maging masaya mag isa . Kaya ko naman pala maging buo kahit sa pamamagitan lang ng mga simpleng bagay. Magiging matatag ako ng ganto at tahimik ang buhay. Walang iniisip na pag aalala at takot na baka may biglang magbago. Hindi ko binabase sa ibang tao ang damdamin ko kung dapat ba ako maging masaya . Di ko denedepende sarili ko sa iba kung ano magiging kilos ko at pananalita. Wala akong basehan ng saya maliban sa sarili ko lang. Pwede naman pala maging memorable ang mga lugar at petsa kahit mag isa lang ako. Nag uumpisa palang ako humilom sa pag bibitiw ng pangarap ko . Pangarap na may isang tao na makaka pag pahalaga sa akin at sa pag mamahal ko, binitiwan ko na . Nag uumpisa na ako bumuo ng bagong pangarap na di na nakabase sa iba. Makakaiwas na ako na madissapoint, makakaiwas na ako na mareject, makakaiwas na ako na magmukang mapaghanap . Makakaiwas na ako sa sakit na yung tipong ako lang pala ang may pangarap sa relasyon at ako lang pala ang nag iisip na mas maging maganda pa ang samahan. Makakaiwas na akong mapahiya sa sarili ko na mali pala ang akala ko sa lugar ko sa buhay ng isang tao.Iba pala ang saya na di kailangan mangarap para sa dalawang tao. Nakita ko din na mas mapag tutuunan ko ng pansin ang sarili ko at mas magagawa lahat ng magpapasaya sa akin ng walang bawal at walang iisiping may magtatampo. Nang galing na ako sa relasyong nakakulong ako at sa wakas malaya ako ngayon mag desisyon sa sarili ko. Nang galing na din ako sa relasyong wala talaga pakeelam sakin kahit may sakit ako o nahihirapan, andiyan sya na parang wala. Unti unting dumadating ang mga bagay na magpapasaya sa akin dahil nga malaya ako uli, masaya naman pala yung mag isa. Andiyan sila na madaming kaibigan, lalo na mga taong kumakausap sakin para mabigyan ko ng atensyon at mas makilala sila kahit di relasyon.
Pero ngayon dumating ka. May mga iilan ding dumating na kasabay mo at nag papakita din ng saya at pag...