BATHALUMAN: Kap Angya Rihan
Disclaimer:
I can write English stories but I prefer to write stories using my own country's language and it is Filipino.
------
ANG SIMULA: Unang Kabanata
MALAKAS ANG alon ngayon. Ang pag-uga ng barkong sinasakyan ko ay tila halos lulubog na ito sa malaki at malawak na karagatan. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Ngayon ay patungo na kami ng mga kasamahan ko sa kaharian ng Silangang Korona. Hindi ko alam kung bakit ito ang pangalan ng kaharian ng aking matalik na kaibigan na si Uyuko, ngunit wala na akong pakialam sapagka't kailangan naming magpahinga ng aking mga kasamahan.
"Kap Angya." Narinig ko ang pagtawag sa akin ng isa sa aking mga kasamahan na si Valerio. Idinilat ko ang aking mga mata at kumunot ang aking noo bago bumaling sa kaniya.
"Bakit? Anong problema?" Tanong ko sa kaniya.
"Ang barko, Kap, may---" Naputol ang kaniyang pagsasalita nang biglang lumakas ang alon at halos matumba na kaming dalawa ni Valerio dahil sa lakas ng pwersa nito. Inayos kong muli ang aking sarili at inalalayan ko si Valerio na ngayon ay takot na takot na at nanlalakihan ang mga mata nito dahil sa pagkabigla. "Kap, ang barko. Hindi ko na ito makontrol pa. Nakakasiguro ako ngayon na hindi tayo makakarating sa kaharian ng Silangang Korona." Nag-aalalang pagpapaliwanag niya sa akin.
"Tumungo muna kayo sa inyong mga sariling silid. Sabihan mo pa ang mga iba mong kasamahan. Ako nang bahala rito." Pagbibilin ko sa kaniya. Tumango agad ito at mabilis na umalis. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit halos gustong-gusto yata ng mga alon ngayon na pabagsakin ang aming barko. Ngunit isa akong kapitan. Kailangan kong alagaan ang aking mga kasamahan dahil ako ang kanilang kapitan.
Ipinikit ko muli ang aking mga mata at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Pagkatapos ay itinaas ko ang aking mga kamay at ibinaling ko ito sa kanang gawi.
"Sana'y pakinggan ako ng ihip ng hangin, dinggin sana nito ang aking hiling. Pakalmahin mo, kaibigang hangin ang malalakas na alon na may tila planong kami ay pabagsakin. Kung maaari ay sabihin sa aking dahilan ng Bathaluman ng Tubig kung bakit ako'y kaniyang ginagambala at sapilitang ako ay dapat may mapansin." Mahinang bulong ko sa kawalan at ibinaba ko na ang aking mga kamay. Umihip nang napakalakas ang hangin at maya-maya ay nawala ito na tila lumayag upang sundin ang aking utos.
"Bakit kailangan mo pang tawagin ang kaibigang hangin?"
Wala sa oras na naidilat ko ang aking mga mata. Bumungad agad sa aking mga mata ang kaniyang asul na mga mata. Nagsusumigaw ito ng napakaraming emosyon na tila para sa akin lahat. Ngumisi siya sa akin at unti-unti itong naglakad palapit sa akin. Isang binatang halos ka-edad ko lamang na mayroong mga asul na mata ang nasa harapan ko ngayon.
"Kung inaakala mong ang Bathaluman ng Tubig lamang ang nais na tumatawag sa iyo, ay mag-isip ka muli. Sapagka't nabuhay muli ang isang katulad ko. Ang tunay na kaibigan ng hangin, ang tunay na kayang gumagawa ng alon, at hindi ang tubig. Dahil ako si Azamles Ivar Ruan, o maaari mong tawaging AIR, ang Bathaluman ng Hangin.
Nagagalak akong makilala ang kapitan ng barkong Bathaluman, si Kap Angya Rihan. Ang nag-iisang anak ng Bathaluman ng Lupa."
Tama siya. Ako nga si Angya Rihan. Ang kapitan ng barkong pinangalanan kong Bathaluman.