...

2 views

TALA: MGA MENSAHE MULA SA KALAWAKAN


Ikatlong Mensahe ng Kalawakan,
ipakita mo kung sino ka talaga aking kaibigan.

02: Hindi Ka Basta Ikaw Lang

marahil may mga pagkakataong nanliliit ka na sa sarili mo. may mga panahong naiisip mong hanggang dito na lang ang kaya mo, natatakot ka ng sumubok, bata ka pa lang kasi wala ka ng bilib sa sarili mo, kaya iniisip mong sa dulo ika’y matatalo.

pero subukan mong tanunging ang sarili, gusto mo pa bang sumubok? o hahayaan mong manatili ka na lang sa ganito? tipong hindi na lang ikaw ang nanliliit sa sarili mo kung hindi pati ibang tao.

alam kong natatakot ka lang ipakita ang sarili mo. huminga ka muna, ipahinga ang sarili, mag-isip at magdesisyon sa susunod mong hakbang patungo sa iyong pangarap.

dahil hindi ka basta ikaw lang– ikaw ang batang gustong ipakita sa mundo na hindi lang hanggang dito ang kaya mo.


© rys