episode 1-7 "walang pamagat," the beginning of first you
Nag mamadali siyang humahanap ng masasakyan. Sa dami ng tao hindi siya makakuha ng pagkakataon para makasakay sa bus dahil sa dami ng mga tao. Masama na ang kanyang pakiramdam ang pawis sa buo niyang katawan hindi niya maipaliwanag paunti unti dumarami ng hindi niya namamalayan. Lumingon siya sabandang kanan at nakakita siya ng maliit na vendo machine, dali dali siyang pumunta roon at naghulog ng barya para makakuha ng botelyang tubig para sa napa paubos niyang pawis na pawis na katawan. Kumuha siya ng limang botelya ng tubig at inilagay niya sa loobng kanyang bag. Binuksan ang isa sabay lagak sa uhaw., napabulong siya sa sarili" ano na nangyayari sa akin, ano ba ito, bakit grabe ang resulta ng pawis ko hindi ko akalain ganito na ito hindi man lamang sinabi sa akin ni lolo na ang epekto ng kanyang gamot ay ganito pala,-makakayanan ko ba kaya ito? Hindi ako mamatay kaya ko ito marami na akong pinagdaanan sa buhay, kaya ito" bulong niya sa kanyang sarili... At matapos niyang uminom ng tubig dali dali siyang bumalik sa sakayan para maipahinga ang pagod na katawan, ngunit hindi niya nagawang makahanap sa siksikan ng mga tao. Dumating ang tren narinig niya naisip niya na mas madali siguro kung siya ay sasakay ng tren. Ngunit namamanhid na paunti ang kanyang katawan pero sinikap parin niya pumaroon sa tren.. Umakyat siya sa hagdanan paakyat ng overpass sa tren station. Pagod na pagod hingal mga mukha niya nangangapal na ngunit hindi naman ito ganuon kasakit pakiramdam lamang niya na parang binabanat ang kanyang katawan.. Matapos niya makabili ng ticket siya ay daling pumila dahil marami parin ang tao. Ilang saglit pa dumating ang tren at siksikan parin sa loob kahit na siya ay nakasakay na. Sa dami ng tao halo halona ang tao sa loob babae, lalake, bata, lolo, lola, mag aaral, mataas at maliliit at mahirap at siksikan. Napabulong siyang muli"dibale importante nakasakay nako" sa di kalayuan malapit sa...