...

28 views

Accidentally Yours
Chapter One [ Pen ]



Addy's Pov

Maaga akong umalis sa bahay ngayon. Maglalakad nalang ako papasok kasi maganda naman ang weather. Perfect day para maglakad. Di naman ganon kalayuan ang G. University.
Tinignan ko yung wristwatch ko at may 30 minutes pa ako bago makarating sa school.
Then I heard my phone ringing.

*Calling: P. Sanchez

Napahinga ako ng malalim ng makita ko kung sino ang tumatawag. Sinagot ko.

"Hello?"

Then I heard again the 'thing' na matagal ng kinukulit sakin.

"Just drop it. I won't take it! Bye! " then I hang up.

Nang biglang may makabangga sakin. Hayun, tumba ako sapol sa pwet. Then yung wrist ko naramdaman ko na kumikirot. Nabigla ata nong itukod ko para di ako maout balance. Kasakit!
Yung nakabangga sakin di man lang ako tinulungan makatayo. Ayos ah! Di ko nakita ang mukha, likod lang at yung hood na black.

"May araw ka rin sakin!" bulong ko habang hilot hilot yung wrist ko. Tumayo nalang ako at pinampag yung pantalon ko. Buti nalang di nabasag o napuruhan phone ko.

Ng humakbang na ako, napansin kong may naapakan ako kaya tinignan ko.

It is a pen.

Color black with a shade of gold. Parang mamahalin na pen. Parang Parker pen.
Pinulot ko yun at pinagmasdan.

"J. Park?" usal ko.

Yun kasi yung nakalagay na name sa pen. Ah eh baka naman brand name ng pen. Inilagay ko nalang sa bulsa ng hood ko tsaka na ako nagpatuloy sa paglalakad.
———————
"You sure with that?" tanong sakin ni Ms. Chlezea, school nurse.

Hindi ko na kasi pinalagyan ng bandage. Di naman malala nangyari eh. Binigyan nalang niya ako ng painkiller at nababaran ko naman ng ice.

" Yes mam!" nakangiting sagot ko sakanya at nagpasalamat narin ako. Tsaka na ako tumayo mula sa bed.
Pero bago ako lumabas may sinabi pa ako sakanya.
———————
Practice Hall

"San ka ba galing, Fu?" salubong sakin ni Dana, bestfriend ko.

"Somewhere!" kako sakanya tsaka na ako dumiretso sa bench namin para ilapag yung bag ko.Alangan naman na sabihin kong may injury ako kailangan ko magpractice.

"Seryoso?Tagal mo ha?" mapaghinala talaga tong babaeng to.

"Oo nga! Bakit ba?" tanong ko habang nagi-stretching narin. Nagwawarm up narin kasi mga kasama namin.

Lumapit siya sakin at may binulong.
Medyo di na ako nasurprise don sa sinabi...