...

15 views

What We Have: White Butterfly
DISCLAIMER:

BATHALUMAN: Kap Angya Rihan is just my first attempt story to publish here. But I'm not really still working with its whole plot, although I have a planned twist now.

Now, What We Have is the compilation of short stories I made when I was still young and until now, yeah. So, I hope you will like it or even though, you will not, it's okay, I'm still good with it.

No plagiarism, ha? Thanks! As always, this was written in Filipino language, yet, with a touch of English language too. This is only FICTION. Thanks again.

---

WHITE BUTTERFLY

IPINATONG KO ang aking ba-ba sa pasamano ng bintana. Kasabay niyon ay ang pagbuntong-hininga ko. Kailan kaya siya babalik? Bakit hindi ko pa rin siya nakikita hanggang ngayon? Nasaan na ba talaga si Autumn? Nasaan na ang girlfriend ko? Ang daming tanong na nabubuo at naglalaro na sa aking isipan pero napapagod na ako sa kakagawa ng mga sagot sa sarili kong tanong na hindi ko naman nga alam kung totoo ba o hindi. Siyempre, gawa-gawa ko lang iyon. I'm answering my own questions just to console my feelings, just to pacify myself.

Narinig ko na mayroong kumakatok sa pinto ng aking kwarto. Napalingon ako roon at napipilitan akong tumayo upang pagbuksan kung sino man ang kumakatok na iyon. "Sino yan?" Walang buhay na tanong ko at pagkatapos ay binuksan ko na ang pintuan. Tumambad sa akin ang malungkot na mukha ng nakababata kong kapatid na si Symon. "Bakit? Anong kailangan mo? May papaturo ka ba sa aking assignment mo? O kailangan mo ng baon? Ano?" Tanong ko agad sa kaniya.

Napakamot siya sa batok. "Hindi, kuya. Grabe ka naman. Pinapatingin ka lang sa akin ni mama. Hindi ka na lumabas para kumain ng tanghalian. Ano ba talagang nangyayari sa iyo?" Nag-aalala niyang tanong at tuluyan na itong pumasok sa kwarto ko. Napabuga na lamang ako ng hangin at umiling ako sa kaniya. "Kuya naman. Bakit kailangan mo pang magsinungaling? Tutal, hindi naman na bumalik si ate Autumn, edi mag-move on ka na sa kaniya! Hindi ba?" Parang cool lang na wika niya sa akin. Para bang napakadali lang na gawin ang mga sinasabi niya sa paraan nang pananalita niya. Pero hindi. Hindi naman eh.

"Lumabas ka na lang. Nakaka-badtrip ka." Naiirita kong pangtataboy sa kaniya at itinuro ko ang pintuan. "Lumabas ka na lang, Symon. Pagod ako. Wag ka nang makulit." Nanghihina ko pang pakiusap sa kaniya at tumungo ako sa aking kama para doon humiga.

"Kuya, may white butterfly oh!"

"Oh, just shut up, Symon! Kanina pa dakdak nang dakdak ang bunganga mo, naririndi na ako! Argh!"

"Pero, ku---"

"Naku naman! Diyos ko! Bakit ba ang ingay-ingay mo?!"

"Kuya Simeon..."

"Tumahimik ka na at lumabas ka na lang!"

"O-okay..."

Narinig ko ang mga papalayo niyang mga yapak at ang pagsara ng pintuan. Napabuntong-hininga na lamang ako pinikit ang mga mata. Hangga't maaari ay ayoko na munang alalahanin si Autumn. Pero paano? Hindi ko maiwasan. Girlfriend ko siya. Maayos naman ang relasyon naming dalawa noong umalis siya...pero bakit hindi na siya bumalik? Ano bang naging problema? Bakit parang tuluyan na niya akong iniwan?

Idinilat ko ang aking mga mata nang parang nakaramdam ako ng kiliti sa may braso ko. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang isang puting paru-paro na nakadapo sa aking braso. The white butterfly was just there, not moving, it's steady. Like it was comfortable being in my arms. Pero ito ba ang sinasabi ni Symon sa akin? Bakit kaya? Ano namang pakialam ko sa paru-paro na ito?

Tinaboy ko ang puting paru-paro at ipinikit ko muli ang aking mga mata. Gustong-gusto kong magpahinga pero bakit hindi ko magawa? "Ugh! Ano na naman ba ito?" Naiirita kong tanong sa sarili nang maramdam kong nangangati ang noo ko. Hinawakan ko ang aking noo at kinamot ito pero may naramdaman akong insekto na lumipad mula sa noo ko! "Ano ba naman iyan! Bakit ba dapo nang dapo ang paru-paro na iyon?! Sa noo ko pa!" Naiinis kong reklamo sa sarili.

Hindi ko man maintindihan ang paru-paro pero palagi lang siyang malapit sa akin at palagi ring dapo nang dapo sa braso o sa noo ko. Noong una, naiinis ako rito pero simula nang magkausap kami ni Symon tungkol sa puting paru-paro na ito ay napapaisip ako at madalas ay natutulala ako sa kawalan. Totoo ba?

"Alam mo ba, kuya? May sinabi sa akin si papa noon. Na kapag mayroon daw na namatay na malapit sa iyo ay bibisita iyon bilang isang hayop o kahit anong klaseng hayop. Pero kadalasan ay paru-paro raw ito."

"Tapos? Paki ko? I don't like butterflies at all. Tsk."

"Eh, kuya! Palaging nakalapit iyang paru-paro na iyan sa iyo! Baka...baka may dala iyang mensahe iyan, kuya Simeon! Baka...baka iyan na si ate Autumn!"

"Tangina! Umalis ka na nga!" Binato ko siya ng tsinelas ko nang pagkalakas-lakas. Ano ba naman ang pinagsasasabi ng batang iyon! Anong gusto niyang iparating? Na patay na si Autumn kaya hindi na siya nakabalik pa at halos tatlong taon na rin? Eh, kahit ang mga magulang ni Autumn ay hindi ko ma-kontak dahil simula't sapul ay alam ko namang ayaw na ako ng mga ito. They have been civil towards me all along, just because Autumn chose me. Their daughter told them that I am her happiness and they can't just break Autumn's happiness. Iyon ang alam ko. That's why, for once, I did survived them. I became happy with Autumn and she is with me too. Pero ano na ngayon? Bakit...parang nag-iba yata ang ihip ng hangin?

"Pero, kuya! Hindi ako aalis! Sabi ni papa, kapag bumisita raw iyon sa iyo ay kailangan mong alalahanin ang lahat ng memories ninyo para umalis na ito at mapanatag na ang kaluluwa ni ate Autumn mahal mo talaga siya at hinding-hindi mo siya makakalimutan."

"Putangina! Isa pa, Symon! Isa pa at mahahampas na kita!"

"WAAAH!" Natataranta na itong tumakbo palabas ng kwarto. Kahit kailan talaga! Hindi na siya nadala sa akin! Tsaka, bakit ba paulit-ulit si Symon? At bakit niya ipinagpipilitan na patay na si Autumn? But should I do what he told me? Kailangan ko bang alalahanin ang lahat ng mga ala-ala namin kung sakali ngang totoo ang lahat ng mga tinuran nito? Ayaw ko sanang gawin pero...ginawa ko.

Sumunod ang araw na kailangan naming umalis na buong pamilya. Kahit ayaw ko ay pinilit ko pa rin na bumangon at mag-asikaso. Natatakot lang ako kay mama at baka pagalitan niya ako, mabulyawan pa ako niyon. Nalaman kong family bonding pala namin ito na plinano ni papa at Symon. Habang naglalakad kami papunta sa Mang Inasal ay may bigla akong nabunggo na isang babae.

"Oh, sorry, hijo!"

"Ayos lang po---" Hindi ko natuloy ang pagsasalita ko nang matigilan ako sa pagkakita sa kaniyang mukha. "T-tita Audrey?" Nauutal kong tanong dito. Si tita Audrey, ang nanay ni Autumn. "T-tita, nasaan na po si A-Autumn?" Pilit kong tanong. Ito na lamang ang pagkakataon para malaman kung ano na ba talaga ang nangyari sa girlfriend ko. Ito na lang ang pagkakataon kaya kailangan ay sulitin ko na ito agad.

"Ahh, ikaw ba iyong FAKE niyang boyfriend?"

"A-ano po?" Nanlaki ang aking mga mata dahil sa pagkabigla. Anong fake boyfriend? Ako talaga ang boyfriend niya? "W-what are you saying, tita? Ako po talaga ang boyfriend ni Autumn at siya ang girlfriend ko. I just want to know what happened to her. Bakit nawala po siya?" Kinakabahan kong tanong kay tita Audrey at kahit pa alam kong naiwan na ako nina mama, papa at Symon ay kailangan ko pa ring malaman kung nasaan na si Autumn. I need to do this. I badly know what happened to my girlfriend and where is she now.

"Uhm, sorry, hijo, but my daughter has a husband now. Alam kong masakit sa pride mo but she knew that my choice was better than her choosing you. So, she left you because she was needed in their own engagement party---and ah! They there are! Autumn, Richard! Come here! Nandito si Simeon oh!"

I was touched a little that tita Audrey didn't forget my name, but my emotions flooded my mind and heart. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Lalo na nang makita kong naglalakad palapit sa akin si Autumn, kasama ang isang lalaki, at masaya silang nagtatawanan. Mas lalo akong nasaktan nang makita ko na mas masaya pa siya ngayon kasama ang Richard na iyon kaysa noong magkasama pa kami. Nagkamali ba ako? Bakit naging ganito?

"Oh, hello, Simeon! I'm so sorry for your very first heartbreak because of me. I just thought that moms knows best, kaya sinunod ko ang gusto ni mommy. And it turns out, it's true! Sorry din at hindi ko na sinabi sa iyo kasi ayokong masaktan ka na...but masasaktan pa rin naman, hindi ba? So no use. I want to thank you rin for so much happy memo---"

Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita. Ikinuyom ko ang aking mga kamao at malamig na tinitigan siya. "You're fucking welcome, Autumn. Fucking welcome. Sana maging masaya ka...habang buhay." Pagkatapos ko iyong sabihin ay umalis na ako, lutang at...heartbroken.

Being. a heartbroken person is so very hard. Very hard that I can't tried myself to bear the pain. Pinagmukha na akong tanga at pumayag naman ako. Napapakanta tuloy ako ng "Happier" ni Ed Sheeran. Pero kahit kailan, hindi na ako maghihintay pa sa kaniya kahit saktan siya ng Richard na iyon. I will not make myself stupid for the second time. Then, things happened so fast.

Hanggang sa tawagan ako ng matalik kong kaibigan na si Carlos.

"Oh? Hello? Anong kailangan mo, gago?"

"Grabe ka, pareng Simeon! Parang wala tayong pinagsamahan!"

"Sabihin mo ang sasabihin mo, sige na."

"Eh...pare...si Summer...patay na."

"Huh? Sinong Summer?"

"Aba't! Hindi mo dapat makalimutan si Summer! Eh halos ipilit na nga ng babaeng...shit naman, pre! Naiiyak ako, sorry! Naging kaibigan ko rin iyon! Bakit makakalimutan mo ang pinaka number-one follower mo sa instagram? Iyong ang pangarap ay ang mahawakan ang matitipuno mo RAW na braso. Tapos iyong gustong-gusto kang halikan sa noo?! Pare naman! Bakit makakalimutan mo iyong babae na kayang ipagsigawan na mahal na mahal ka niya?! Hindi katulad ng Tag-lagas na iyon! Pwe! Ang arte-arte! Mabuti pa si Summer, hindi ba?!"

Natulala ako at hindi nakaimik. Si Summer. Natigilan ako nang makita ko ulit ang puting paru-paro. The white butterfly touched my arms as it flew towards my forehead. Then...I imagined Summer kissing my forehead.