...

2 views

Ruthless (Chapter 2)
Chapter 2 (Kissed)

A week passed.

Buong linggo ata akong nasa bahay lang. Wala namang masyadong client ngayon kaya di ako madalas na pumupunta sa opisina. Mukhang paubos at paubos narin ang mga krimen at lagim na nagyayari sa bansa natin kaya habang tumatagal, nawawalan narin ata ng silbi ang mga abogadong tulad ko.

I decided to go downstairs. Kaming dalawa lang ni Ian sa bahay since lumipad sina mommy and daddy kahapon papuntang New York for some business.

"Ian may makakain ba diya-"

I stopped. Ni hindi ko natapos ang sanay sasabihin ko dahil si Ethan agad ang nakita kong nakaupo sa sala namin. Komportable siyang nakasandal at nakapatong ang mga paa sa mini table habang nanonood ng tv. Nasa carpet naman si Ian na kumakain ng popcorn.

Kung hindi ako nagsalita, hindi sana nila ako makikita. Too late, pareho nang nasa akin ang atensyon nilang dalawa.

"Yes twiny. Popcorn you want?"

"Nevermind. Aakyat nalang ako ulit, I want a real food Ian, not a popcorn." medyo mataray kong sagot at akma na sanang tatalikod ng magsalita si Ethan.

"Kailan pa ba hindi naging pagkain ang popcorn?"

"Oo nga no? Kung di to pagkain, bakit ko kinakain?"

Tsk. Stupid Ian. Bakit ba di niya sinabi sa akin na may bisita pala siya? At si Ethan pa talaga?

"You guys enjoy watching the movie. Clean your mess when you're done!" pahabol kong sabi saka na umakyat ng hagdan ulit.

Nang alam kong di na nila ako kita ay saka ako tuluyang natigilan.

Is it real?

Nandito ba talaga si Ethan?

Okay parin ba para sa kanya ang gumawi dito sa kabila ng ginawa ko sa kanya? Hindi ba siya naninibago na after 6 years heto ulit siya at parang walang nangyari?

Hinawakan ko ang dibdib ko. Ang bilis. Sobrang bilis ng pintig nito.

Yong gutom na kanina ko pa dala dala ay napalitan ng kaba.

Come on Lian, may Mia na siya!

Nalungkot ulit ako sa palaisipang yon. Yes, may Mia na nga pala siya. Nandito siya hindi para sa akin, kundi dahil kay Ian.

Nothing more, nothing less.

"Akala ko ba nasa kwarto ka? Bat parang ikinakausap mo yang pintuan ng kwarto mo?" nagulat ako sa nagsalita. It's Ian from my back. Mahina lang ang boses niya, malamang para di siguro kami marinig ni Ethan sa baba.

"Ano bang ginagawa niya rito? At bat di mo man lang sinabi?"

"Do I have to? Kapag sinabi ko ba sayo ipagluluto mo kami ng pagkain? Pag sinabi ko ba sayo bababa ka at sasamahan kaming manuod? Diba hindi naman? So hindi ko sinabi kasi wala ka namang gagawin." he said habang nakasandal sa pader at nakapamulsa ang dalawang kamay.

Ian looks good. Kung hindi ko siya kapatid, alam kong isa siya sa mga lalaking hahangaan ko.

"That's the point Ian. Kung sinabi mo di sana hindi ako lumabas. Are you insane? Pano kung lumabas ako ng walang damit?"

"Really Lian? Lalabas ka ng walang damit? Kailan ka pa lumabas ng walang damit?" natatawa niyang sunod sunod na tanong na para bang hindi niya inaasahan na yon ang sasabibin ko. "At kung lalabas kang walang damit who cares? Siguro naman nakita na yan ni Ethan noon diba?"

Nanlaki ang mga mata ko sa huli niyang sinabi. Pinandilatan ko siya habang siya pigil na pigil sa katatawa. Kapatid ko ba talaga to?

"E-excuse me? Bumalik ka na nga ron! Wala ka lang magawa e, bat hindi si Ethan ang asarin mo?"

Pumasok ako ng kwarto at pabalibag kong isinara ang pinto. Narinig ko parin ang malakas na tawa niya sa labas kahit nasa loob na ako. Uminit ang mga pisngi ko. Damn Ian, anong akala niya nakita na ako ni Ethan noon na nakahubad?

Nagkasama na kaming matulog noon ni Ethan, and Ian knows about it. Kasama pa nga namin siya non e pero mas pinili niyang sa kabilang kwarto nalang matulog. But then we never touched. Alam ko dahil ramdam ko si Ethan ng gabing yon pero mas ramdam ko kung pano niya pinigilan ang sarili niya wag lang mangyari ang bagay na yon. We're too young at that time. Pero ngayon iniisip ko kung kaya niya pa rin bang magpigil kung may katabi siya sa kamang matulog.

And that thought bother me a lot.

Nagtabi na kaya sila ni Mia? May nangyari na ba sa kanila?

Argghh! At ano namang pakialam mo Lian?!

Napailing ako sa mga naiisip ko. At kung oo, may magagawa pa ba ako? Kung oo, mababago ko pa ba? He's not mine anymore. The more I care about him, the less he cares about me.

Bumalik ako sa pagkakahiga at ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Pero wala, si Ethan parin ang nakikita ko kahit sa dilim. Damn it!

Naisip ko ang...