...

21 views

The Dying Rose
Siya si Rose. Gaya ng mga bulaklak na rosas sa kanilang bakuran, siya ay maganda, nakakahalina at masarap alagaan.

Ika-labing walong taong kaarawan niya sa araw na iyon nang lapitan siya ng kababata habang nakatambay sa kanilang hardin.

Nabobored kasi siya sa loob dahil puro matatanda lang ang nanduon. Ni wala siyang kaibigan na inimbita ng mga magulang maliban lamang sa kanyang kababata na kapit-bahay lang din nila.

"Oh ba't nandito ka?" nagtatakang tanong ng kaibigan nang tumabi ito ng upo sa kanya.

"Ah ano kasi wala naman akong makausap sa loob kaya naisipan kong dito na muna. Maganda rin ito upang makalanghap ako ng sariwang hangin mula sa mga bulaklak na ito." aniya sabay turo ng mga pananim. Ang mga pulang rosas na tanim sa kanilang bakuran ay silang dalawa ng kaibigan ang nagtanim. Ito rin ang madalas na mag-alaga sa mga ito.

Nakangiti ang kaibigan habang nakatingin sa mga bulaklak sa kanilang harapan. Tumayo ito at lumapit sa isang tanim ng pulang rosas. "Gusto mo?" tanong nito sa kanya na tinanguan naman niya.

Pagkatapos nitong mapitas ang bulaklak ay iniabot nito iyon sa kanya. Nuon lang niya napagmasdan ang bulaklak ng mapasapalad na niya ito. Tuyo't nanlalanta na. Nakasimangot na tinignan niya ang kaibigan na nakangiti lang sa kanya.

"Ano ba 'yan, malapit naman na mamatay iyang ibinigay mo sa akin!" aniya habang pinagmamasdan ang bulaklak.

"Ano ka ba, hindi pa 'yan mamamatay. Natuyo't nalanta lang dahil hindi nadiligan at hindi naalagaan ng maayos. Pero dahil pinitas ko na mamamatay na talaga iyan." paliwanag ng kaibigan habang...