...

3 views

Ruthless (Chapter 3)
Chapter 3 (Threats)

He kissed me.

No. He is now kissing me.

Hindi ko magawang kumilos o itulak man lang siya dahil hawak niya ang dalawang kamay ko. He's moving his lips against mine. Hindi ako makagalaw. Sa sobrang daming nakakagulat na kaganapang nangyari sa akin ngayong araw, this one is the worst.

Bigla niyang binitawan ang kanang kamay ko. Akala ko pakakawalan niya na ako pero lumipat lang yon sa pisngi ko. He is now holding my right cheek, gamit ang malambot niyang palad ay unti-unti niyang pinunasan ang mga luha kong patuloy parin pala sa pag-agos.

I closed my eyes. Damn I miss him so much. I miss everything about him.

Gusto kong manlaban. Gusto kong itulak at patigilin siya hindi dahil sa gusto ko pero dahil alam kong mali ito. Pero sa halip na gawin ko ang tama, I found myself responding to his kisses.

His sweet kisses.

At ng maramdaman niyang humahalik na rin ako pabalik, mas lalo niya akong inilapit sa kanya at hinawakan ang bewang ko.

"Shit." mura niya ng putulin niya ang halik. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko.

Napalunok ako. I don't know what to say.

"I miss you. I miss you Lian. How did I survive for 6 years without you? How did I survive for 6 years without kissing those lips." halos pabulong niyang sabi habang nakatingin sa mga labi ko.

"Say something. Stop bothering me with your empty reactions." dagdag niya.

"Damn. Did you miss me? Did you feel the same way?" tila nag mamakaawa niyang tanong.

Oh yes Ethan I miss you so much. God. I miss you more. I miss you so much.

Pero bat di ko magawang sabihin? Bat di ko pwedeng sabihin? Bakit bawal? Bakit hindi pwede?

"Talk please. Talk."

May naramdaman akong luha na tumulo sa mga pisnge ko. This time alam kong hindi yon galing sa mga mata ko. Shit.

"Kung ibabalik ko ang araw na nakilala kita, lahat uulitin ko para itama lahat ng pagkakamali ko. Kung ang yayain kang magpakasal ng maaga ay mali para sayo, pagsisisihan ko. Kung alam ko lang na matatakot ka, sana hindi ko nalang ginawa. Kung alam ko lang na hindi ka pa handa, sana hinayaan muna kitang makitang handa na bago ako gumawa ng desisyon. Lian mahal kita kaya ko nagawa yon. Masama na ba ako? Mali bang mahalin ka ng sobra sobra?"

Napapikit na ako. Magkadikit ang mga noo namin habang sinabi niya ang lahat ng yon kaya damang dama ko bawat salita.

Nasasaktan ako para sa kanya. Nasasaktan ako para sa akin. Nasasaktan ako para sa amin dahil alam kung kahit kelan ay hindi na pwedeng maging kami.
Na hindi na pwedeng maging kami ulit.

"M-mali tong ginagawa natin."

I don't wanna ruin the moment pero mali talaga to. May Mia na siya. Kung hindi ko nakakalimutan na may girlfriend na siya, hindi niya rin dapat makalimutan yon.

Dahil sa sinabi ko bigla siyang napabitaw. Binitawan niya ang kamay ko, ang bewang ko at tuluyan na siyang lumayo sa akin. Kung gano kami kalapit sa isa't isa kanina ay ganun naman kami kalayo ngayon.

I heard him took a deep breath.

"Go now, matulog ka na." malamig niyang sabi at iniwan akong mag-isa sa madilim na kusina.

Napapikit ako at pinigilan ang paghagulgol ko ng iyak. That was it? Damn. Ano pa bang inaasahan ko? Natural naalala niya si Mia, natural na maisip niyang hindi ito tama.

Hindi ko alam kung saan na ako nakatulog, basta ang alam ko hindi na ako nakabalik sa kwarto. Nagising nalang akong nasa kwarto na ni Ian, magtataka pa sana ako pero agad kong nakita ang iniwang notes ng kapatid ko sa side table.

I don't know what happened between the two of you last night. Pero parang malala pa ata sa iniisip ko dahil sa sala ka na nakatulog. Binuhat nalang kita kesa ginising. Your room is locked so I have to carry you in my room. Eat your breakfast, Ethan worried a lot ng makita kang nakabaluktot sa sofa. Don't do that again, he said.

I have to work. I love you.

-Ian

Ilang ulit kong binasa yon bago ko naintindihan ng mabuti. When it comes to leaving a notes, Ian is the sweetest.

Napahimbing ata ang tulog ko dahil hindi ko man lang naramdamang...