...

19 views

1: The Poor Girl

Hawak hawak ni Jenalyn ang pitaka niya habang binubuklat ito.
Dalawang daan na lamang ang laman ng pitaka niya at marami pa siyang dapat bilhin. Mapapaupo na lamang sa tapat ng isang tindahan. Nang biglang kumulo ang kaniyang sikmura. " palibhasang buhay to oh! Dalawang daan nalang ang allowance ko. Eh miyerkules pa lang ngayon. " sikahos ng dalagang may balingkinitang katawan at mapupungay na mga mata.

Her Pov's
Pambihirang buhay to!
Anong gagawin ko sa dalawang daan na to?
Paano ko pagkakasyahin ang allowance na ito?
" oh Jen, kapos na naman ba ang allowance mo? " tanong ni manang Celia sa akin. Ang may ari ng tindahang inuutangan ko.
" oo nga po, ang hirap pagkasyahin tulad ngayon dalawang daan na lang ang laman ng pitaka ko. " sabi ko kay manang habang nakatingin sa malayo.

What a hard life is? Ang hirap nito mas lalo nang walang magulang na nasa tabi mo.
Fight lang self! Kaya mo ito! " Aling Celia baka may palalabhan kayo diyan? Free time ko mamayang hapon. " sabi ko kay Aling Celia. Kailangan ko kasing madagdagan itong allowance ko. Graduating pa naman ako at Educ ang Proffesion ko. Sana naman mayroon siyang palalabhan para may kikitain ako ngayon araw.
" eha, wala pa kaming palalabhan sa ngayon kasi umuwi yong anak ko kaya siya muna ang naglaba. Kung gusto mo eh magbantay ka nalang sa dito sa tindahan ko dahil may pupuntahan lang ako. " hayyst, salamat naman Lord ay may mabuting puso para madagdagan ang allowance ko ngayon.

Napapasok ako bigla sa tindahan ni aling Celia, " thank you talaga Aling Celia hulog talaga kayo ng langit! " yapos ko sa kaniya. Since kasi na nag aral ako dito sa San Veneracion ay siya na ang takbuhan ko at laging sumasalo sa akin kapag kailangan ko ng tulong. " walang anuman, Jen. Ito nga pala...