A boy who's looking for someone (Short Dialogue P2) ❍It didn't happen
Zeo: Bro, it's been a while. Long time, no see!
Xhrei: Yeah, akala ko ba 'di ka na babalik, ba't bumalik ka pa?
Zeo: Luh grabe siya sa 'kin. Pinagtabuyan na nga ako ni Uncle, at pinauwi rito tapos gan'yan pa sasabihin mo. Dapat nga ilibre mo 'ko sa Jollibee.
Xhrei: Pinagsasasabi mo dapat nga ako yung may pasalubong.
Zeo: Ay ako pa ba? Siyempre, hindi kita nakalimutan. Heto regalo ko sayo.
Xhrei: Anong gagawin ko sa keychain?
Zeo: Isabit mo sa tenga mo, ano pa ba?
Xhrei: Ewan ko sa 'yo!
Zeo: Anyways, kamusta naman kayo ni Yanna, 'di ba nag uusap na kayo?
Xhrei: Ah, si Cyvianna... Ayun, naging okay naman ang lahat. Mga one week after ko siya maikuwento sayo, nagkita kaming muli doon sa kung saan kami huling nagkita.
Zeo: Pa'no mo nalaman na siya na 'yon?
Xhrei: Naaalala niya ako, kasi kitang kita niya mukha...