...

8 views

AKING INA
" Ina!!!Huwag mo akong iwan!"

Sa wakas, isa na akong tagapagtanggol ng mga naaapi ngayon at itoy dahil sa huling hiling ni Ina.

Bago pa man ako naging isang abogado ay aking ipapaalam kung gaano ako ka suwail na anak.

Labindalawang taon palang ako nang iwan kami ng aking ama at bumuo siya ng bagong pamilya. Kami lamang ng aking ina ang nakatira sa malaking bahay na iniwan sa amin ni ama.

Mula noon ay nakakatanggap na ako ng panlalait ng aking mga kaklase samantalang ang aking Ina ay bote ng alak ang yakap-yakap araw-araw kaya nangangamoy alak na ang kanyang kwarto.

Tuwing umaga na paalis ako papuntang paaralan ay nagluluto siya ng aming almusal ngunit alak parin ang nagsisilbing kape niya.

Noong nakatuntong na ako sa kolehiyo ay nakilala ko ang lalakeng nagpapatibok sa aking puso. Siya ay Jeff Cheng na nagpakilalang anak ng isang sikat na fashion designer sa China.

Minsan ko siyang iniuwi sa bahay ngunit ako'y sinabunutan ng aking Ina. Nais niyang...