...

3 views

WTH
Nakakapagod 'tong pamilyang 'to.
Puro nalang away, walang kapayapaan.
Lage nalang puno ng mga 'di pagkakaintindihan.
Gusto ko nang sumuko.
Iwanan lahat ng kaguluhan.

Sana nga ganon kadali.
Na mawala ng tuluyan.
At pabayaan ang kasalukuyan.
Upang makamit ang kapayapaan.
Nakakaburyo't nakakapanghina ng kalooban.

Hay! kay hirap ng lahat ng 'to
Kung kailan matatapos 'to.
Nakakainis na't galit na galit na ako.
Hindi ko na maintindihan.
Parang di pamilya ta'yo?

Makasarili ka, lage nalang 'yong mga paghihirap iniisip mo.
Puro ka nalang sa iyo, walang sayo naman.
Nagkaganyan ka kase bisyo mo nalang iniisip mo.
Gusto mo ng pera, pera, pera para may pang gastos ka sa BISYO mo.
Lintik na bisyo 'yan. Sana sumabay na 'yan sa hukay.

Lintik ng ugali 'yan.
Nakakagalit, at nakakapangyamot.
Dulot nyan puot at sakit.
Wala kang ibang alam kundi galit at pangungwenta.
Sa mga naambag mo.

Kase nga ikaw 'tong pundasyon sa bahay.
Ginagamit mo position mo.
Wala naman silbi 'yan.
Sino nag utos sa inyo gumawa ng pamilya, huh?
Kung kapayapaan at pagmamahalan 'di mo mapanatili at mapakita.

Galit na galit ako ngayon.
Sobrang higpit ng puso ko ngayon.
Sobrang nakakagalit lang 'tong mga inasal mo.
Sana magbago na 'yang bulok mong ugali.
Kase sobrang nakakasakit na.
© lovelypoete23