Selengawen: The Imitator
© Copyright by Sheila Mae Balatucan
"Naniniwala ba kayo sa mga pamahiin? Mga pamahiin ng mga matatanda na naging parte ka rin ng buhay natin mula sa ating pagkabata hanggang sa ating pagtanda?". Tanong ng aming guro sa Araling Panlipunan na si Ms. Aubrey.
Hindi ko alam kung bakit niya iyan naitanong, eh samantalang hindi naman sakop ng kanyang subject ang kanyang tinatanong.
Inilibot niya ang kanyang tingin sa aming lahat na kanyang estudyante, nang makita niya sigurong walang nakakuha ng atensyon niya ay bumuntong hininga ito.
Magsasalita na sana ito ng biglang tumunog ang bell, ibig sabihin ay uwian na.
"Okay! Good bye class, see you tomorrow" Ani niya at nagpatiunang lumabas.
Pagkarating ko ng bahay ay naabutan ko sina Lola at mama na nagkukwentuhan. Napaikot naman ang mata ko ng maisip na ang pinagkukwentuhan nila ay tungkol na naman sa mga pamahiin na iyan. Tsk.
Dumiretso ako ng lakad at balak na lampasan sila ng tawagin ako ng Lola ko na ikinatigil ko.
"Bakit ho, la? "
"Halika dito, makisali ka sa aming Kwentuhan." Aya ni Lola.
Kahit na nag-aalinlangan ay lumapit pa rin ako sa Kanila. Tumabi ako Kay mama at saka ko lang napansin na nandirito rin ang aking mga pinsan at kapatid. Binalewala ko na lamang ito at sinimulan ng makinig.
"Ang ikukwento ko sa inyo ngayon ang tungkol sa isang aswang na nagbabalat-kayo at nanggagaya ng itsura ng mga tao para mambiktima." Pagsisimula ni Lola.
Aswang na nagbabalat-kayo at nanggagaya na itsura para makapag-biktima? Hmm. Napataas ang kilay ko doon, nangangahulugan lang na gusto ko ang...