...

16 views

Accidentally Yours
Chapter Two [ Neck tie ]

Addy's POV

Last day na for practice kaya inagahan ko na. Bukas na ang D-day. Andito rin sa practice hall yung ibang players pero si Dana malapit na daw.
Kasalukuyan na nagwawarm up ako dito sa practice hall ng makita ko si Jasmyn. Okay na kaya siya? May arm sling supporter pa kasi siyang suot. Bale nagkapilay kasi siya ng aksidenteng mahulog siya sa hagdan ng school. Weeks din siguro bago siya nakapasok para magrecover. At eto nga, andito na siya.

"Hello Addy!" nakangiting bati neto sakin ng mapansin niya ako. May dala siyang food. As always.
Nagulat ako kasi pumasok na pala siya. Tinawag niya ako na umupo muna sa bench kaya naman lumapit muna ako sakanya. Gusto ko rin kasi siyang kamustahin.

"Pumasok ka na pala! Okay ka na ba? " agad na tanong ko sakanya.

"I'm perfectly fine!" nakangiting sagot naman niya sakin tsaka niya ako inoffer-an ng food. Burger. Di rin siya mahilig sa burger. Napansin ko na medyo

Jasmyn is now a jolly and friendly person unike before na may ugali pa siyang war freak but she's totally different now and I'm happy with that. Though she's not totally my friend. We're civil. Pero competitive tong taong to. Kaya di ako makapaniwala na nagagawa pa naming magkausap ng ganito. We just get along sometimes. Alam niyo yun, parang kakilala lang.

"Seryoso?" nag-aalala paring tanong ko habang nakatingin ako sa injured niyang kamay.

"Yap!" she paused. "Nakakapanibago ata na you are concern to me this day? " tanong niya.

"Ayaw mo ba? Sige babawiin ko nalang."

"Haha? Just kidding and thank you sa concern...Haist! Kung nag-ingat lang sana ako, sana kasama ko parin kayo maglalaro." sabay kagat sa burger niya habang nakatingin sa mga magwawarm up. Bakas sa mukha at tono ng boses niya ang paghihinayang.

"Ano ka ba? Mas mahalaga buhay mo kesa sa laro. Pwede ka naman maglaro ulit eh." sabi ko sakanya. Alam kong malaking kawalan sakanya tong laban na to pero mas kailangan niya magpagaling.

Nagguilty tuloy ako sa sarili ko. May issue din yung wrist ko eh.

"What about her?" biglang tanong kay Jasmyn.

"Sinong her?" tanong niya.

Tapos itinuro ko gamit ang nguso ko yung tinutukoy kong 'her'.

"Okay lang. Wala naman tayong magagawa." sagot niya sakin tsaka siya yumuko at huminga ng malalim. Naguilty tuloy ako sa tanong ko.


Ilang minuto rin siguro ng tumungo si Shana sa kinauupuan namin. Hindi ko alam pero agad-agad tumayo si Jasmyn at nagpaalam na pupunta na ng room.

"Jasmyn." tawag sakanya ni Shana. Huminto naman si Jasmyn. "How was your injury?" tanong niya.

Seryoso? Concern siya?

5 seconds siguro bago humarap si Jasmyn sakanya.

"I-I'm good." sabi niya. "Ahm...thank you for accepting the—"

"Next time magdouble ingat ka ha? As a captain, you shouldn't leave your teammates just because of your clumsiness, and some stuff...I still don't get it why you became a captain of Phoenix Squad." And I saw a tiny smirk sprung from her damn mouth. Maldita talaga. Napayuko nalang si Jasmyn sa sinabi ni Shana sakanya. May naramdaman akong something off between them...