Gusto Kong Pabagalin ang Oras Kaso...
“You can start anew at any given moment. Life is just the passage of time and it’s up to you to pass it as you please.”
― Charlotte Eriksson, You're Doing Just Fine
2020. Ka’y bilis ng panahon... grabe parang lumipad lang ang dalawang dekada ng buhay ko... malay ko baka ng dekada nyo rin kasi nagka-isip ako ng bandang 2000’s tapos hanggang ngayon eh nagpapatuloy ang progress ng mindset kong hindi matahimik sa pag-iisip at pag iimagine ng bagay-bagay sa paligid. Naalala ko nga eh parang dati ang ang libangan ng mga batang katulad ko way back 2008 eh maglaro ng mga online games sa computer shop like Ran Online, Cabal, Flyff, Grand Chase, Perfect World, DOTA at Left 4 Dead. Nostalgic para sa’kin yun kasi dun ko unang natutunan mag computer at unang makarinig ng mga trash talker sa computer shop na malutong mag mura pati yung mga hindi na tumatayo at ginawa nang bahay ang comshop.
Di lang natatapos sa comshop ang libangan ng mga bata noon... para sa isang katulad ko na pinili mag stay sa bahay at hindi lumabas para maglaro at mag amoy pawis sa labas eh naging takas ko sa realidad yung panonood ng anime sa T.V, lalo’t nung mga panahon na yan eh unang airing ng TV 5 na dating ABC 5, heaven para sa akin yun dahil dun ko nakilala si Lelouch at si Shana... at nadiscover ko na may iba palang palabas kapag weekdays ng hapon bukod sa korning dramarama sa hapon ng GMA, kudos to TV 5 kasi kahit gabi eh may anime noon kaya nga nakilala ko din ang Fushigi Yuugi ... sayang nga lang at hindi nagtagal ng ilang taon ang ganong gaming ng TV 5 kasi nag decide silang maging sports channel after ng ilang taon. Para sa isang batang katulad ko na naging masaya ang childhood dahil sa anime na pinapalabas nila eh nakakalungkot... lalo’t Kadenang Ginto na ang pumalit sa ganung klase ng palabas kaya di na ako magtataka kung bakit ma drama ang buhay ng mga kabataan ngayon.
Sa ayaw o sa gusto mo, lumilipas ang panahon ... at sa isip mo na lang mananatili ang mga alaala ng nakaraan, kaya nga siguro natutuwa tayo kapag nagkukwento ang mga lolo’t lola natin ng nakaraan nila kasi dama natin na gusto nilang bumalik sa kahapon nil ana masaya at malakas pa sila. Kasi ikaw ngayon eh di satisfied or disillusioned sa nakikita at naeexperience mo kaya napapa isip ka na “Sana ganun din ang panahon ngayon”. Well ganoon talaga parte ng pag unlad ang pagbabago sa nakasanayang gawi na kahit ikaw eh hindi mo pwedeng pigilan.
Ako at ikaw, may pagkakaparehas tayo. Bilang tao eh dumadating sa buhay natin na nagiging emo at nostalgic na mapapa throwback ka sa mga nangyari dati at kung mahalaga ang isang event pwedeng memorable or may special place in your heart kamo eh gusto mong pahintuin ang oras kasi ika nga eh “Cherish every moment of your life” laban sa mabilis na takbo ng oras kaya nga siguro mabili pa din ang Chuckie kasi sa commercial nilang may tagline na tumatak sa mga may mga nostalgia “ Minsan lang maging bata” na kinoquote ang childhood as a moment of happy memories kaya dapat iparanas mo sa anak or sa sarili...