...

2 views

TALA: MGA MENSAHE MULA SA KALAWAKAN


Unang Mensahe ng Kalawakan, 
magpahinga ka muna kaibigan.

01: Huminto, Umupo, at Magpahinga

Marahil nakakaramdam ka na ng pagod. Nawawalan ka na ng ganang bumangon. Hindi mo na alam kung saan ka tutungo. Baka sinasabi na ng puso mong sumuko.

Pero Kaya mo bang sukuan ang sinimulan mo? Ngayon ka pa ba bibitaw kung kelan narito ka na at patuloy na lumalaban? Isipin mo kung pa ano ka nagsimula; alalahanin mo kung pa ano ka nahumaling sa pangarap na ito; balikan mo ang panahon kung paano mo minahal ang bagay na ito.

Dahil mas mabuting magpahinga kesa sumuko. Sa pahinga, alam mong may bukas pa, may pag-asa pa, may babalikan ka pa.

Napagod ka lang aking kaibigan, magpahinga ka muna. Paminsan-minsan ay kailangan mo ring huminto, umupo, at matulog. Kailangan mo rin itaboy ang problema, para makakain ka ng payapa, yung tipong sasarap ang kape kapag alam mong wala kang iniisip na problema; yung tipong babagal ang oras para lang ikaw ay sumaya.

Huwag mong limitahan ang sarili mo. Alam kong mahaba pa ang lalakarin mo, kaya sana ay huwag mong kalimutang huminto, umupo, at magpahinga.


© rys