...

23 views

episode 1-2 "wala pang pamagat"
Nagsimula ang lahat sa kawalan, walang malay sa kanyang magiging buhay. Hindi nya nalalaman ang kanyang kinabukasan, ano nga ba ang kanyang haharapin sa buhay.

Napagmasdan niya ang kanyang sarili, sa di kalayuan musmos kapang masasabi. Ano nga ba ikaw at nagaatubili pinatitibay mo ang iyong mga binti.

Lumayo pagtayo sa murang idad. Hindi inakala kakaiba ang lakad, pagkat ang kaalaman nya ay bumubukal, sa di kapanahunan bata pang masdan.

Ano ikaw, batang mapag hangad nagsisikap kang maabot ang bawat lahat. Nasaan kana hinahanap ka ng lahat nariyan ka lang pala at abala sa paglalatag.

Gumuhit ang kamay isinarado ang palad, gumawa ng iyong sariling mga balak. Saan nanggagaling ang iyong kaunawaan sa mga maraming bagay ikaw bukod tangi ang may alam.

Malikhaing isip sa murang idad, magagawa niyang baguhin ang hinaharap. Hinahanap maigi ang iyong mga gawa, nagpaplanong maigi nagsisikap ng mahirap.

Ano mayroon ang batang ito, bakit nagagawa niya mga bagay na ganito. Ano nakikita mo? at ano nga sa tingen mo? Mukhang malayo ang mararating mo.

Musmos kapalamang marami ka ng pangarap kahit batid natin kalagayan mo ay hindi sapat, sapagkat ang totoong hamon nalalapit ng masikap mahahayag narin ang una mong pamagat. . -
- - - - To be continue---