...

1 views

Isang Araw
Isang araw, makakatagpo ka din ng taong magmamahal sayo ng tunay. Sya yung taong iintindihin ka sa lahat ng panahon. Uunawain ka sa lahat ng pagkakataon. Mahahanap mo din yung taong magpapasaya sayo. Habang wala pa sya, alagaan mo ang sarili mo.

Isang araw, gigising kana lang na maligaya. Mumulat ka na may kasama. Darating yung araw na hindi mo na kailangang pilitin ang bawat tawa. Na hindi mo na kailangang itago ang bawat pag patak ng luha. Darating yung araw na hindi mo na kailangang magpanggap na maligaya. Na hindi mo na kailangang paulit ulit na sabihin sa sarili mo na kaya mo pa? Magtiwala ka. Darating din yan.

Isang araw, darating ang pag ibig sayo. Kakatok sya at mag aalay ng panibagong pag asa. Bubuksan nya ulit yang puso mo. Mawawala lahat ng takot na dulot ng mga maling pag ibig na dumaan sa buhay mo. Magmamahal ka ulit. Tandaan mo, lahat ng bagay na nangyayari may dahilan. Lahat ng pagsubok may katapusan. Tiwala lang.

Alam ko nasasaktan ka. Alam ko nahihirapan ka. Alam ko sinasabi mo lang na okay ka pero umiiyak ka. Hayaan mo lang. Hayaan mo lang na masaktan ka. Matatapos din yan lahat. Mawawala din yang sakit. Maghihilom din yang sugat. Hayaan mo lang. Mas mainam ng ganyan. Mas mainam ng maramdaman mo lahat yan. Bawat sakit may kapalit na ligaya. Sa bawat patak ng luha mo siguradong may katumbas yan na masasayang tawa. Hayaan mo lang. Bukas o sa makalawa, darating din sya. Yung taong magpapatunay sayo na mahalaga ka. Na hindi ka isang pansamatalang tao lang sa mundo. Na importante lahat ng nararamdaman mo. Na may kabuluhan ang pagtibok ng puso mo.

Maghantay ka lang, darating din yang araw na yan.