...

3 views

Walang Pasubali
Sa kalaliman ng gabi
luha'y ikinukubli.
Sa pagitan ng tahimik na hikbi,
nitong pusong nagdadalamhati.

Damdami'y patuloy naghihinagpis,
at sugat sa puso'y 'di maalis.
Ang himig mong kay tamis
ay akin paring ninanais.

Hanap-hanap ka tuwing nag-iisa.
Yakap mo'y akin paring dama,
sa hanging sumisilip sa'king bintana,
tulad ng panahong kapiling ka.

Araw-araw paring inaasam,
na ika'y muli kong mahagkan.
Ngunit batid kong wala ng babalikan,
dahil tuluyan kang lumisan.

Batid kong hanggang dito na lang
ating mumunting kasayasayan.
Dahil ako'y iyong iniwan,
at puso ko'y nag-iisa ngayo't sugatan.

Subalit sa pagitan ng paglisan,
at sa pait ng pag-ibig na pilit inilaban.
Iyo paring pagkatandaan,
na ako'y mananatiling iyong tahanan.
'Pagkat puso ko'y sa'yo lamang.

Ikaw parin, palagi.
Pag-ibig kong walang pasubali.


𝚅.𝙰. 𓍢ִ໋🌷֒
— 24.04.24 —
© All Rights Reserved