Orasan
Tila yata nakaligtaan na ng panahon;
Mga pangarap na nuo'y tanging layon.
Sa pag pikit ng mga mata;
Tanging hangad muli'y maging bata.
Tinig ng aking Ama;
Pagkabahala'y hindi nadama.
Haplos ng aking Ina;
Sakit ay hindi na alintana.
Himig ng panaho'y kay bilis;
Tanging hiling sana'y wag ng umalis.
Bawat segundo, minuto'y lumilipas;
Ala- ala'y hindi kumukupas.
Sa bawat pag kalembang ng relo;
Iwaglit sa isip na ikaw ay talo.
Isang pagkakataong mabuhay;
Oras ay pahalagahang tunay.
© transparentdonutbread
#Philippines #tagalog #pinoy
Mga pangarap na nuo'y tanging layon.
Sa pag pikit ng mga mata;
Tanging hangad muli'y maging bata.
Tinig ng aking Ama;
Pagkabahala'y hindi nadama.
Haplos ng aking Ina;
Sakit ay hindi na alintana.
Himig ng panaho'y kay bilis;
Tanging hiling sana'y wag ng umalis.
Bawat segundo, minuto'y lumilipas;
Ala- ala'y hindi kumukupas.
Sa bawat pag kalembang ng relo;
Iwaglit sa isip na ikaw ay talo.
Isang pagkakataong mabuhay;
Oras ay pahalagahang tunay.
© transparentdonutbread
#Philippines #tagalog #pinoy