...

3 views

Papuri
Mataas na pagtingin
Pa'no ka aabutin?
Sarili'y di mawari
Nalunod sa papuri

Una'y nakakatuwa
Hindi nakakasawa
Sabik na mapakinggan
Sana ay walang hanggan

Ngayo'y nakakasakal
Gawa'y 'di naging bukal
Mapanglamang kong loob
Nawa ay mapataob


© ugma