...

11 views

HINDI ITO PAG-IBIG
"hindi, mali ka."
mali ka sa sinabi mong ako ay mahal mo dahil hindi mo naman talaga ako minahal. hindi pag-ibig ang naramdaman mo sa dibdib; nagmistula akong tagapagligtas mo; inahon ka nung nalulugmok ka; tinulungan kang makawala nung nasa dilim ka na, nag-iisa at walang kasama. tinulungan kita.
kaya naiintindihan ko na nagawa mo ito, hindi kasalanang malito. dahil maski rin ako nalilito. nalilito na kung minahal mo ba talaga ako, o dahil minahal kita kaya nanatili ka sa tabi ko.
pero alam mo ba kung anong mali sa relasyong ito?
habang may tayo sumugal ka pa rin sa ibang tao. ang malala pa roon, sa kaibigan na sinabing mong suportado sa relasyon nating ito.
≪•◦ ❈ ◦•≫
© rys