...

1 views

Kaibigan


Di ko mawari kung ikaw ba ay Ginoo o Binibini
Kaya'y di mailarawan kung ikaw ba'y makisig o marikit
Matipuno o balingkinitan
Pero sa kabila ng pagkalito kung ikaw ba'y babae o lalaki

Isa lang ang na hahali sa’king isipan, kung larawan mo ang pag-uusapan pare-mare
Minsa'y marungis ka na animo'y inabandona
Minsan na may animo'y ginto na sa pagdalisay ay labis labis na
Ika nga nila minsan nakakaaya kang titigan ngunit may oras na pawa mo'y lumilisan

Di mo man ako kinikibo
Ngunit ramdam ko ang iyong malugod na pagtanggap
Pero wag kang mag alala kaibigan
Ako'y di mag sasawa na sa iyo'y laging umunawa

Ikaw ay aking tunay at tapat na kaibigan
Ikaw ay laging nariyan upang saki'y umunawa
Handang makinig sa mga kwento ko
Sa araw na ako'y maligaya o malungkot o problema man ikaw ay di nagsasawa

Kahit sa lihim lang kita nakakausap
Ngunit di naman sating dalawa ay alintana
Ngunit kahit sa gayung paraan
Sapat na sa akin , na iyong napatunayan na ika'y laging nariyan

Alam kung alam mo bakit sa lihim lang kita nakakausap
Dahil siguradong kung sa hayagan
Ay sabihin nilang tila naiwan ko ang aking diwa sa kabilang dako
Alam mong di naman kita kinakahiya

Lalaki ka ba o babae? Ginoo o Binibini?
Kung ano kaman, dina Bali
Basta ang mahalaga tunay kang kaibigan
Ako'y sa iyong walang maitatago ako'y naging totoo

Naging saksi ka sa kung sino ako
Kung nais mapag isa sa iyo tumatakbo
Hiling ko'y walang maka istorbo
Ang 'Kubeta' lahat sa iyo'y di mahihiyang sabihin kaibigan ko.


Written in 2018
© ugma