...

7 views

Patibong
Paano mo nga ba maririnig ang aking panaghoy?
Kung sa laro ng buhay ay nais pang mag patuloy.
Tila kay bilis na ako’y iyong itaboy;
Hindi maatim na ako pala ang iyong tinutukoy.

Inalay kong dangal marahil iyong kinalimutan;
Mga desisyong hindi mo manlamang pinag isipan.
Dignidad na aking lubos na pinag sumikapan;
Nilipad ng hangin ng ako’y iyong daluhan.

Puso mong tila nag ngingitngit na apoy;
May puwang pa ba upang ako’y iugoy?
Sa lalim ng aking damdamin ay hindi na makalangoy.
Mga luhang hindi mapigil na dumaloy.

Paano mo nga ba maririnig ang aking panawagan;
Kung ang boses mo lamang ang tanging nais mong mapakinggan?
Hinagap kong ika’y magiging sandigan;
Hindi na batid na ako’y iyong lalamangan.

© transparentdonutbread

#Philippines #tagalog #pinoy