...

7 views

Siphayo
Ramdam kong may nag bago;
Hindi na kailangan pang gumamit ng kodigo.
Tila nais ng sumuko;
Pilit na kinalimutan ang dating ako.

Saan nga ba lulugar?
Wari'y isang makinang ayaw nang umandar.
Damdaming sa aking pakiwari;
Unti unting nagiging kunwari.

Sa pag lipas ng panahon;
Parang mga nalalantang dahon.
Atin pa bang maibabalik?
Pag titinginang may pananabik.

O di kaya'y nais ng tuluyang bumitaw;
Sa pagmamahalang hindi na tanaw.
Batid kong halaga ko ay pang huli;
Nakaraan ba ay maibabalik pang muli?

© transparentdonutbread

#Philippines #tagalog #pinoy