Balatkayo
Ilang ulit pa ba na gagawin
Ang panloloko at walang pakialam sa tao
Sa bawat ginawa akala mo ay tama
Upang masunod ang hangad sa iba
Walang pakundangan masira ang pamilya.
Para sa nais na hindi naman kaayaaya
Sukdulan pamilya ay mawala
At talikuran para sa isang walang kwenta
Ang tao nga naman kung iyong titingnan
Puro balatkayo ang mapapagmasdan
Akala mo ay santo yun pala may tinatago
Sa likod pala nito kamunduhan ang inaasikaso
Paano natiis na gumawa ng kung ano
Gayong ang bait naman sa inyo...