...

11 views

Nag-iisa

Sa tuwing ako'y nag- iisa pilit
Kong ikinukubli ang kalungkutan,
Kahit napakahirap at masakit
Sa kalooban at walang mapagsabihan.

Magulong kaisipan at natatakot
Hindi mapakali at nakatulala
Nakaupo't namamaluktot
Umiiyak na sana'y may pag-asa.

Pag-asa nawa'y may makakatulong
Sa akin upang iligtas ako sa madilim
Na kinasasadlakan at tila ba'y nakakulong,
Walang kalayaan at naninimdim.

Nais kong pawiin ang negatibong nadarama
Upang  maibsan ko ang aking kalungkutan,
At ipagdarasal sa Poong maykapal ang hangarin
Na malampasan ko ang pagsubok, dulot ng nakaraan.

Hindi biro ang aking pinagdadaanan
Kung kaya't ako'y natatakot sa aking sarili,
Takot, na baka hindi ko makayanan
kung hanggang kailan ko ikukubli.

Hanggang sa aking napagtanto
Na sa bawat problema hindi ako nag-iisa
Kung kaya't pipilitin kong maging positibo
Dahil habang-buhay ay may pag-asa.

Nagpapasalamat ako dahil aking nalampasan
Ang mga pagsubok  at kalungkutan sa buhay
At iisipin ang mga pangarap sa kinabukasan
At nawa'y magsisilbi itong gabay tungo sa tagumpay.


© Nhelz decoronel Bautista