Sa Aking Ginoo
Sa Aking Ginoo
Heto na.
Sisimulan ko na.
Ika’y ipakikilala na.
Ako’y susulat ng sandaang kataga
Guguhit ng hindi mabilang na letra
Aawitan ka sa pamamagitan ng tula.
Kahit ang totoo,
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula
Ngunit heto na at walang dapat ikabahala
Sapagkat panulat ko ay handa ng lumuha.
Hayaan mong itago kita sa pangalang “Ginoo”.
Hayaang mong isalaysay ko sa mundo ang ating matamis na kwento.
Hayaan mong malaman nila ang nararamdaman ko.
Hayaan mong maintindihan nila kung ano talaga tayo.
Ginoo.
Sa ating unang pagkikita ay nagtama agad ang ating mga mata.
Agarang nakaramdam ng kakaiba kahit ika’y hindi pa kilala.
Sa paraan ng iyong pagtitig tila ba ikaw ay nang-aakit.
At sa isang iglap lamang alam kong ako’y mapapaibig.
At nagsimula na nga.
Ako’y araw araw na nabihag sa ilalim ng iyong mga bitag.
Hindi ko na alam ang aking gagawin sa tuwing nandiyan ka na’t nakatingin sa akin.
Alam mo ba ang pakiramdam?
Na sa tuwing nandiyan ka ako’y ‘di mapakali
At kung wala ka ako nama’y nawawala sa sarili.
Marahil ay hindi mo alam.
Marahil ay hindi mo nararamdaman,
Habang ako bigla bigla....
Naramdaman ko’y biglang lumala.
Ako’y kinikilig sa tuwing ika’y umaawit.
Ako’y natutunaw sa paraan ng iyong pagtitig.
Ako’y nababaliw sa tuwing boses mo’y naririnig.
Ngunit aking Ginoo, maaari bang magtanong?...