...

8 views

Bakit nga ba?
BAKIT NGA BA?

Tila isang balang sabik ng makawala
Ganyan ang mga tanong na sa isip ko'y nagwawala
Kung akin nga bang isisiwalat ay iyong masasagot?
O magiging dahilan lamang ng mas hindi ko magawang paglimot?

Tulirong damdamin ngayo'y di na alam ang gagawin
Kahit san mapunta nakikita'y ikaw pa rin
Ang mga ala-alang tanging natira sa atin
Kay sakit ibalik, kay sakit isipin

Pangako mong sambit ay anong tamis
Pinanghawakan ng pusong ikaw ay di na aalis
Subalit tiwala ko'y saan nga ba makararating?
Kung ang 'yong katapatan ay kay hirap ring hanapin?

Bakit?

Ang halamang lanta ay maaaring diligan
Ang bagay na basa ay maaaring punasan
Ang batang umiiyak ay maaaring tumahan
Ngunit bakit pag puso ang dahilan walang gamot 'pag nasaktan?

Ako'y biktima ng isang kahapong puno ng kasinungalingan
Kasinungaling produkto ng isang tulad mong kamalian
Tunay ngang walang mali sa magmahal
Ngunit ang ikaw ang aking mahalin, 'yon ang mali.

Naaalala mo pa nga ba?
Nang minsang mong sinambit na pagmamahal mong alay ay sinlawak ng dagat
Na kahit anong gawin ay hinding hindi masusukat...