...

5 views

PAKSA
simula't sapul pa lamang ay alam ko ng maling alayan ka ng tula. ngunit pinili kong maging paksa ka ng aking mga akda na tinuturing kong obra dahil ikaw ang nilalaman ng mga talata't salita.

ewan ko ba, sa tuwing ikaw ang nagiging paksa ng aking mga tula tila ako'y nawawala sa libu-libong mga salita. naguguluhan ang isipan, tinatanong sa kawalan kung pa ano kung ang mga tulang aking naisulat ay maging katotohanan na. na hindi na lang sa imahinasyon ko ang may "tayo", kung hindi sa totoong mundo kung saan hindi naman ito totoo.

o, aking sinta, nais kong umamin na ikaw ang bituin na aking pangarap kunin, mukhang malapit ngunit kay hirap abutin. kinilala kita bilang isang tala dahil ang iyong ganda ay namumukod-tangi sa iba. kabusilakang iyong taglay ay walang makapantay.

marahil hindi talaga masabi ng aking bibig ang tamang salita, kaya heto't sinulat na lamang ang nadarama. dahil sa papel at tinta, sa aking pagsulat ng mga talata, naipadarama ko sa iyo ang aking pagsinta.
≪•◦ ❈ ◦•≫
© rys