...

8 views

Sulat sa Taong minamahal ko Ngayon (Part 1)
Baby,

Salamat at nag karoon ka ng pagkakataong basahin ang sulat ko.
Salamat at nabigyan mo ko ng pagkakataon na makausap ka sa pamamagitan ng isang liham.
Napaka dami kong gustong sabihin sa iyo, pero baka maubusan ako ng salita balang araw kaya ngayon ko na sasabihin. Isusulat ko na ang mga salitang baka makalimutan kong sabihin sa pag dating ng panahon.

Di ko makakalimutan yung unang ngiti na nasilayan ko sayo nung unang magkita tayo, nakita ko ang saya na ipinapakita ng mga mata mo, nadinig ko ang boses mo sa unang pagkakataon at nakita ang mga kilos mo . Nuong unang mga minuto na magkasama tayo wala akong ibang iniisip , may nakikita akong isang bagong tao sa harap ko ngayon na kakaiba kumilos , kakaiba mag salita at kakaiba ang dating. Binabasa kita kung paano ka magsalita at makipag usap , ang mga sagot ko sa iyo ay laging may kasamang ngiti at derekta sa iyong mga mata. Ilang minuto pa at kinakabahan na ako na parang may kakaiba sa iyo, ang isip ko ay nag tatanong bakit ganyan ka kumilos at bakit ganyan ka magsalita? ano ang meron sa iyo bakit ganto nararamdaman ko?

Lumilipas ang bawat oras na may pagtataka sa likod ng aking isipan ngunit napapangiti mo ko ng di ko alam kung paano, napapa gaan mo ang loob ko sa kakaibang paraan na di ko maunawaan. Parang may mahika na humahawak sa akin sa oras na iyon. Bawat sandali na magkasama tayo laging may ngiti sa iyo, at habang lumilipas ang oras ay kumakalma ako, nawawala paunti unti ang pagtataka, masaya ako nadidinig ang tinig mo , masaya ako nakikita ang mata mo na derekta nakatingin sa mga mata ko, napaka masayahin mo , napaka gaan kasama , may kaba sa dibdib ko pero komportable ako sa iyo. Mas dumami pa ang kwentuhan, mas naging madaldal ka pa, mas madami ka pang sinabi na tinatandaan ng isip ko, mas gumaganda ang mga mata mo sa paningin ko. Minsan lang ako makakita ng isa lng taong derekta tumingin sa mata ko, minsan lang ako makakita ng taong makahulugan at malalim ang sinasabi ng mga mata, hindi ko alam kung bakit ganon ang dating sa akin ng bawat pagtingin mo , ano ang meron sa iyo? Kapag tumatalikod ako kumakabog ang dibdib ko na parang may kaba na di ko maintindihan pero pag harap ko sa iyo biglang napapalitan ng ngiti, ano nga ba ito?
Nag patuloy pa ang oras na kasama kita at naging mas malalim ang kwentuhan natin, mas madami kang tinatanong at agad ko naman sinasagot, mas madami kang kinukwento na naiipon sa isip ko.
Ngayon lang ako nakatagpo ng isang gaya mo na parang nasabi na lahat ang gusto sabihin sa buong araw, na parang may kahulugan ang mga tanong .

Dumating ang oras na nagpaalam na tayo sa isat isa at di ko sadyang yakapin ka , medyo di ko alam ginawa kong yon' biglaan yon, pero yung yakap parang isang minuto ata o dalawa at yung kamay mo nakagapos sa akin na humihigpit na , nakangiti akong naglakad papa layo, bitbit ko ang isang pakiramdam na kailanman di ko naramdaman.

Mula ng araw na iyon di ka na nawala sa "inbox" ko , lagi kang nasa unahan ng "unread messages" ko, Aba't nasasanay akong nag uusap tayo at hinahanap ka kapag di ka nag paparamdam . Pinupuno mo ang bawat araw ko ng saya at mga ngiti at mga katanungan na di ko din alam kung ano, Nahahawakan mo ang isipan ko at nababago ang mga bagay na matagal ng nasa isipan ko. Tumatawag ka at tinatawag mo akong baby , pati yung salitang " i love you" nasasabi mo na . Minsan nga sinasabi mo na tayo na ( haha) kahit hindi pa naman talaga.

Hindi ko alam bakit ganto ang nararamdaman ko. Na bawat bagay na ipinapakita mo ay di ko inaasahan na ipapakita sa akin ng isang tao, di ko inaakalang madadanas ko, di ko man lang naisip na dadating yung ganun sa akin. Kung paano mo ako tratuhin ay higit pa sa inaakala kong maganda, higit pa sa inaakala kong masaya. Nag kaka tampuhan na tayo dahil natututo na ako mag hanap ng oras kapag wala ka, natututo na akong mag tanong san ka nang galing at bakit nawala ka. Kinakabahan na ako lalo mukang di ko inaasahan na dadating ka sa panahon na nakapag desisyon na akong ayoko ng mag mahal pa, ayoko na masaktan uli, sapat na mag isa.

Nang galing na ako sa lahat ng uri ng relasyon na kailangan kong matutunan, natuto na ako sa lahat ng pagkakamali na ginawa ko nuon at sa mga ibinuhos kong pagmamahal sa maling tao , natauhan na ako. Nangarap na ako ng ilang beses na ang relasyon na meron ako ay hanggang dulo na at huli na, Napag daanan ko na ang mga bagay na sa palagay ko sapat na at ayoko na mapag daanan pa. Umiyak na ako habang nag lalakad at di ako kumakain ng ilang araw, nawalan na ako ng pag asa na may tamang tao para sa akin. Nag buhos na ako ng sobra pa sa sobra na kaya ko. Ibinigay ko na ang buong puso ko sa mga maling tao ng madaming beses. Nakapag desisyon na ako na tapos na ako sa oras na kailangan kong ibigay pa sa iba kesa gugulin ko sa sarili ko. Binitiwan ko na ang pangarap na may makakasama ako sa mga masasayang araw ng buhay ko. Wala na akong balak pa na magkaroon ng plano uli para sa isang relasyon. Nadurog na ako na parang abo. Nagkaroon na ako ng desisyong maging masaya ng nag iisa ako. Tapos na ako mag hanap ng atensyon at patunayan pa ang sarili ko. Tapos na ako ipakita na nag mamahal ako ng wagas sa isang tao. Wala na sa plano ko na mag karoon ng kasama. Nabigo na ako ng sobra sobra. Puno na ako ng peklat at gusto ko ng di na magalusan pang muli. Sarado na isip ko na mangarap ng pagmamahal mula sa isang tao. Nawalan na ako ng tiwala at paniniwala sa pagmamahal na puro. Inalis ko na din pagkakataon na maniwalang kamahal mahal ako. Ayoko na maniwala na karapatdapat ako mahalin. Ganun ang epekto sa akin ng paulit ulit na sakit na nadanas ko. Madami na akong peklat ng nakaraan, tad tad na ako ng mga nasayang na pangarap. Naiwan na ako ng panaginip ko, nagising na ako sa bangungot ko. Sarado na bawat pinto ng isipan ko. May balot na ang puso ko. Ano pa ba ang kailangan kong madanas ? kung lahat naman ay naramdaman ko na. Lahat naman ay naibigay ko na . Lahat naman ay nagawa ko. Pag dating sa pag mamahal lahat .......