...

19 views

Ikaw
Ikaw ang siyang bigay ng maykapal
sa mundo kong minsan ng nabigo sa pagmamahal.
tunay ngang totoo ang salitang pagmamahal dahil sayo ko naramdaman ang tunay na pag-ibig na matagal ko ng inaasam-asam.
Ikaw ang tunay kong kaligayahan,
sa twing ako'y dinadatnan ng kalungkutan.
Ikaw oo ikaw ang nais kong makasama sa lungkot at saya sa hirap at ginhawa.

Kung pagbibigyan ako ng pagkakataon na makasama ka,
Hinding hindi ko sasayangin ang oras na ikaw ay mahalin at paglingkuran bilang isang mabuting asawa.
oo tama ang narinig mo asawa, dahil dun din naman ang patutunguhan natin kung ikaw ay mapapasa akin at ako'y mapapasayo.

Salamat at mayroong ikaw,
ikaw na nagbigay saya sa buhay ko,
ikaw na nagbigay tamis sa mapait kong mundo.
Tunay ngang napakaswerte ko dahil meron akong ikaw na handang gawin ang lahat mapasaya lang ako. ikaw na handang mahalin ako ng buong buo at tanggap kung ano at sino ako.
Salamat at merong "IKAW."


© 2020iamvanch