...

6 views

Her #2
Para kang mga matatalinghagang salita,
umaasa na sa aking katha'y tayo'y magtutugma.
Wala nang hihigit pa sa isang tula kung
espesyal na mga linya ang malilikha at ikaw ang pinapaksa.

Dampi ng hangin, sinag ng araw, at ikaw
ewan at bigla nalang napapawi ang panglaw.
Bakas lagi ang ngiti sa mga labing
abot tainga ang saklaw.

Nasa anyo man ng musika o tula
gugustuhin ko pa ring makasama ka sa akda
mahal kong salita at tugma.

Ano bang mayroon ka?
Na sa akin ay biglang nagpa-iba?
Lahat ng komposisyong aking itinala,
ikaw na katangi-tangi lang pala ang
gugulo sa aking nililikha

At imbes na pumangit ang tula
Wari ang tunay na ganda nito'y lalong nagpakita ♡♡