...

3 views

Lalaban o ilalaban
Patuloy ang pag - ikot sa mundong ginagalawan
Mahirap man ito paniwalaan
Na kayang harapin ang sakit na nararamdaman
Matatag ba ang tawag sa ganyan o ikaw ay labis na nagmahal

Lalaban o ilalaban salitang magkaiba ang kahulugan
Ano ba ang nararapat sa taong walang pakialam
Ilalaban ba ang ang pag-ibig kahit ito ay puno ng pasakit?
Lalaban ang sarili upang itayo ang puri?

Hangad ko ang katahimikan gusto ko itong makamtan
Galit sa puso ito ay aking pinagpaliban
Kahit may kirot na nararamdaman
Timbangan ng katarungan nais makamtan

Hihintayin na lang sagot ng langit
Ipagdarasal na ito ay makamit
Ang mga nagbigay ng pasakit
Magbabayad ayon sa naramdamang sakit ng dibdib




© gyabao21
Tagalog language:)