...

7 views

Hikbi Sa Krus
Luha sa mga mata'y tuluyan bumubuhos;
Tulad ng ulan, sa ulap na humahagos;
Hindi kaya tanggapin ang mga pighati;
Mga kamay nanginginig na sa sakit;
Sa bawat yapak ng paa, patungo sa kadiliman sulok;
Yaring bangkay, na paikot-ikot sa tatsulok;
Hindi malaman ang pangyayari, sa bundok naroon;
Sa mundo, saksi ang kalangitan at kalupaan;
Masaya sinasariwa, ang nakalipas na kahapon;
Sa umagang liwayway, sigaw ay kalungkutan;

Buhat-buhat ay krus ng buhay;
Sa katawan na humahalik, ay tinik na latay;
Mga mata'y naghihingalo, sa paghahangad ng kaganapan;
Mga labing nakasara, ay uhaw na sa itinakda ng panahon;
Salita'y pinahahayag sa misteryoso banal;
Bagamat pandinig ng mga tao, yaring kataksil-taksil;

Tao'y naging manhid sa katotohanan;
Sa pilak at ginto,nagpaalipin sa kasinungalingan;
Hindi matatapos ang kasalan, ugat ng lahat;
Kamatayan lamang sa krus, ang magsisilbi kaligtasan para sa lahat;

#WritcoPoemChallenge #godmylove #inspiration #Love