...

18 views

' Itay ba't ka ganiyan? '
' Itay ba't ka ganiyan?'

Hindi ko alam kung anong dahilan bakit nabuhay pa ako?
Hindi ko alam kung ilang luha pa ang kayang ipatak ng mga mata ko?
Hindi ko alam kung lalaban pa ba ako?
Hindi ko alam kung bakit ganoon siya?
Gusto kong intindihan pero bakit ganoon siya?

Ilang taon pa ba madadanas ko sa ganitong pag iyak?
Bakit sa tuwing nagsesermon ka na mga salitang hindi maganda ay para akong sinaksak ng patalikod!
Bakit? Bakit palagi nalang akong umiiyak?

Sabi mo pa ay mga wala kaming kwenta!
Masakit! Napakasakit! Pero kaya kong tiniisin iyon!
Oo, pinalaki mo kami!
Oo, ikaw ang nag alaga sa amin!
Pero bakit? Bakit napakasakit ng mga binibitawan mong salita!
Hindi ka naman ganiyan dati!
Pero bakit ganiyan ka na ngayon?

Alam mo ba, sa tuwing nagsesermun ka ng mga masakit na salita ay ako lagi ang nasasakta!
Natru - trauma na sa mga paulit - ulit mong salita.
Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin!
Iintindihin pa ba kita? Kahit na ako't natruma na!

Sabi nga nila, wag mong suwayin ang iyong ama!
Pero paano kung nasa impluwensiya ng alak?
Makakaya mo kaya kunga ng mga salitang binibitawan niya ay masasakit?

Gusto ko siyang unawain at mas lalong palawakin ang isip.
Pero bakit ganun? Hindi ko ata kaya dahil siya mismo ang nagsabing " mga wala kayong kwenta! ".

Gusto kong siya ang magpa aral sa akin. Pero kabaliktaran ata! Dahil sa bisyo niya.
Kapag walang mainum ay mainitin ang ulo.
Mas gugustuhin ko pang tumalon kaysa sa marinig uli ang mga masasakit na salitang ilang taon ko ng narinig.

Oo, ama ko siya! Pero wala akong boses para pagsabihan siya. Idadaan ko nalang sa pagsulat.

Sana... Sa susunod kong iyak.
Sana .. Sa susunod niyang sermon.

Malaman niyang marami siyang nasasaktan. Hindi lang ako kundi kaming lahat.

Sana maging matatag ako sa kulungang mas masakit pa sa tanikalang pako ang naapakan ko.


© YhunaSibuyana